Saturday , April 13 2024

Sa Daigdig ng mga Engkanto (IKA-56 labas)

NAMAMAALAM NA SI MINAY PERO HANGAD PA RIN NIYANG MAKASAMA SI TOTOY SA PAROROONAN

 

Ang mapuputlang palad ni Carmina na mistulang ibinabad sa yelo ay gagap ni Aling Azon na nakaupo sa sahig.   Sa kabilang panig, yakap naman ni Abigail ang nakatatandang kapatid na hinahagkan-hagkan sa noo at hinahagod-hagod ng kamay ang nakalugay na buhok sa banig. Ang batang si Obet, sa pagkakalupasay sa sahig, ay walang tigil sa pagpapahid ng kamay sa sipon at luhang nagsasanib sa madangol na pisngi.

Nangalog ang mga tuhod ko sa marahang mga paghakbang. Papalapit na papalapit sa kinararata-yang higaan ni Carmina ay giyagis na ako ng matinding takot na noon lamang naranasan sa buong buhay ko.

Hindi ko naintindihan kung ano ang sinabi ni Carmina kay Abigail. Dinampot ng dalagita sa tabi ng unan niya ang isang cellphone. May pindot-pindot si Abigail sa keypad ng cellphone. Tumunog ito. Isang himno ang awiting pumuno sa nakabibinging katahimikan.

Matapos ang awiting pinatugtog sa cellphone ay luminga si Crmina sa inang kagat-kagat nang mariin ang mga labi. Sa habol-hiningang pagbubuka ng nagbibitak na mga labi ay naisatinig niya ang samo’t lambing kay Aling Azon: “Ipagpatuloy n’yo ang pagpapadoktrina para magkasama-sama tayo sa paroroonan ko. A-at sana, mahikayat n’yo si Totoy…”

Sapat ang mga katagang narinig upang ang isang lalaking tulad ko na may matigas na kalooban ay mapatangis. At hindi ko nagawang maikubli ang malalaking patak ng luhang bumukal sa aking mga mata.

Gumaralgal ang tinig ko: “M-Minay… narito ako.”

Nabosesan ako ni Carmina. Nag-angat siya ng paningin at pilit inaninaw ang mukha ko. Nang mapaluhod ako sa tabi niya ay marahan siyang nag-angat ng isang kamay. Humaplos sa pisngi ko ang kanyang malamig na palad.

“H-hihintayin kita do’n sa langit, ha?”

Tumulo sa sahig ang malalaking patak ng luha ko sa pagtango. Pahagulgol na naipangako ko sa babaing aking iniibig: “S-susundan kita sa pupuntahan mo.”

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Rhea Tan Beautéderm Gillian Vicencio

Beautéderm founder Rhea Tan, nagbukas ng ice cream business 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INIANUNSIYO ng Beautéderm founder at president na si Ms. Rhea Tan ang kanyang …

Krystall Herbal, Rider

Rider na muntik ma-heat stroke iniligtas ng Krystall Herbal Oil at mga payo at turo ni Fely Guy Ong

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Good morning …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Mga dapat tandaan kapag na-heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong MAGANDANG araw sa inyong lahat.          Nais po …

Globe This isKwela

Globe’s This isKwela Online Learning Community may kapana-panabik na papremyo  

NAKAKA-EXCITE ang bagong pakulo ng Globe, ang This isKwela Facebook Community  na mayroong serye ng mga raffle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *