Tuesday , April 16 2024

Maricar at Richard, pinagdududahang baog kaya wala pang anak?

ni Alex Datu

IGINIIT ni Richard Poon na walang baog sa kanila ni Maricar Reyes dahil alam nilang fertile silang dalawa. Katunayan, regular ang kanilang pagsisiping.

Pabirong sinabi ni Richard na mayroon silang teknik para maiwasang hindi mabuntis ang aktres. Kahiyaan man, ayaw nitong aminin na withdrawal method ang kanilang ginagamit kaya, kaysa magkompirma, ngumiti lamang ito na lalong nagpasingkit sa kanyang mga mata.

Sa isang charity show sa Teatrino Theater naming nakausap ang magaling na crooner at inaming, ”Gusto muna namin, kami muna at saka na ang pagkakaroon ng baby. Madali lang ‘yan. Masaya kami at sobrang nag-eenjoy. Madali sa amin ang mag-travel na walang inaasikaso kundi kami lang dalawa. But hopefully, next year, oo nga pala, magwa-one year na kami, nakaplano na ang paggawa ng baby,” pahayag nito at bilang karagdagan,  baby boy man o girl ang kanilang unang baby ay tanggap nila ito, ang importante, healthy ito.

Samantala, nakausap namin si Maricar sa nakaraang grand presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon at halos magkatulad ang tinuran nito sa naging pahayag ng asawang mang-aawit. Inamin nitong lalong napamahal sa kanya ang asawa dahil matiyaga ito at sobrang naiintindihan ang propesyong pinasok niya kahit by profession ay isa itong medical practitioner. Hinihintay siya ni Richard sa pag-uwi mula sa taping para sabay silang mag-dinner o kung magdamagan ang trabaho, magkasabay silang mag-breakfast.

Sa pinakahuling handog ng Dreamscape Entertainment, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon na bida si Bea Alonzo ay isa namang mapaghamong karakter ang gagampanan ni Maricar bilang kontrabida.

No doubt, magaling itong aktres kahit baguhan base sa kanyang mga nagawang teleserye. Maliban kay Bea, kasama rin sa power cast sina Susan Roces, Paulo Avelino, Dina Bonnevie, Albert Martinez, Tonton Gutierrez, at Eddie Garcia.

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

blind item

Boylet ni Showbiz Gay namamaga ang lalamunan, madalas ding may lagnat

HATAWANni Ed de Leon KUWIDAW ang isang showbiz gay, nalaman kasi niya na ang kanyang boylet …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *