Friday , August 12 2022

Doktora pinaslang sa N. Ecija (Bangkay hubong natagpuan sa kanal ng patubig)

061214_FRONT
PATAY na nang matagpuan lumulutang sa isang irigasyon sa Science City of Muñoz sa lalawigan ng Nueva Ecija ang 58-anyos lady physician makaraan umalis ng kanilang bahay sa Bocaue, Bulacan upang magtrabaho sa isang ospital sa nabanggit na unang lalawigan.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Carolina Talens, isang ObGynecologist ng Gallego City General Hospital sa nasabing lungsod at residente ng isang barangay sa bayan ng Bocaue, Bulacan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima dakong 8 a.m. kamakalawa sakay ng kanyang Isuzu Sportivo (ZJD-124) ngunit natagpuan kinabukasan ang katawan na lumulutang sa Casecnan Irrigation Canal na nakasuot na lamang ng bra at panty.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ni Talens ngunit hinala ang mga awtoridad, maaaring biktima ng carnapping ang doktokra nang matuklasang nawawala ang kanyang sasakyan.

ni DAISY MEDINA

About hataw tabloid

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply