Monday , August 8 2022

IACAT ni VP Binay at NBI, kaya bang sagasaan ang prosti-clubs sa QC at Binangonan Rizal?

KUNG sa ibang lugar dito sa Metro Manila ay kayang sumagasa ang Inter Agency Council Against Trafficking(IACAT) na nasa ilalim ng Office of the Vice President ang control and supervision, kaya rin ba nitong salakayin ang mga club cum putahan sa Quezon City?

Anong say mo alias JOURGE BWENA-MANO na nagpapakilalang kolektor ng IACAT at nananatiling untouchable magpahanggang ngayon?

Kaya rin ba ng National Bureau of Investigation (NBI) na salakayin ang mga prosti-club na hindi magngingiming bumangga sa malala-king tao sa Aquino administration na nagsisilbing protector umano ng mga tiangge ng laman sa siyudad ni Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista?

Miyembro ng makapangyarihang Partido Li-beral siMayor Bistek maging ang ipinagmamalaking PADRINO ngBALAI LUNA CLUB sa Timog QC na si Executive Secretary Paquito ‘Jojo’ Ochoa.

Ang BALAI LUNA CLUB ay naririyan po sa ibaba ng Sir William Apartelle na talaga na-mang dinarayo dahil sa talamak na kababuyang show at lantarang prostitusyon.

Pag-aari rin po iyan ng isang nagpapakilalang retiredGeneral ULO. Sa kahabaan naman ng Quezon Avenue, naririyan naman ang CLASSMATE na pag-aari ni alias POKA na isang Big Daddy Butch Mayor ang isinisigaw na padrino. Nandiyan din ang KREMLIN SPA na hindi naman talaga masahe ang inio-offer kundi kangkangan at pinamumugaran ng mga menor de edad na massage attendants.

Sa mga prosti-club sa Cubao area naman po ay kaharian ng isang GIL TEPANG na nanghihiram ng tapang at kapal ng mukha kina PERRY M, TED SAPITULA at sa isang BOY ARSON, isang peradista este peryodista pala.

Bukol kaya si QCPD Director Gen. Richard Albano sa mga prosti-club sa AOR niya?

Ngayon pa lamang, nasisiguro ko nang sisigaw ng ‘political harassment’ ang masasagasaang mga Poncio Pilato sa QC kapag pinasok ng NBI at IACAT ang mga certified prosti-club sa nasabing siyudad.

Magkakabahid-politika kaya ang gagawing operasyon para magkaroon ng palusot ang mga malaon nang ‘patong’ sa nasabing katarantaduhan!

Kasama na riyan ang talamak na illegal gambling saQuezon city na lotteng at Jueteng nina Tony “Bolok” Santos, Lito Motor, Ver Bicol, Pinong, Don Ramon.

Ano sa tingin mo, Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista?

Mayor Boyet Ynares

at C/INSP Bartolome

Marigondon

Nitong mga nagdaang araw sa buwan ng Mayo hanggang sa kasalukuyan ay walang tigil ang ginagawang operasyon ng mga pulis-Binangonan laban sa ilegal na droga.

Ito’y pagtalima ng PNP Binangonan sa direktiba niMayor Boyet Ynares na maging drug Free ang kanilang bayan. Kung pag-uusapan ang accomplishment, kung hindi man nauuna ang mga pulis sa bayang ito ay hindi naman sila nalalayo sa kung sino man ang nasa unahan. Ma-tindi ang kanilang mga operasyon, at kung tu-tuusin, sila ang may pinakamagandang record kung pag-uusapan ang paghuli sa drug pushers/users sa buong lalawigan.

Mahusay at decorated policeman si C/INSP Bartolome Marigondon at isang tapat at mahusay na public servant siMayor Boyet Ynares.

Mabuhay kayo!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …

Leave a Reply