Thursday , June 4 2026

Cayetano, Brillantes nagkainitan sa Senado (Comelec chair inutil)

NAGKAINITAN sina Sen. Alan Pater Cayetano at Comelec Chairman Sixto Brillantes sa Senado kahapon.

Ito ay naganap sa pagdinig ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation sa naging privilege speech ni Sen. Grace Poe kaugnay sa ika-10 anibersaryo ng “Hello Garci” scandal na sinasabing nadaya sa presidential elections noong 2004 si Fernando Poe Jr.

Ito ay dahil harap-harapan pinaratangan ni Cayetano si Brillantes na walang ginawang reporma komisyon para parusahan ang mga sangkot sa dayaan.

Nabatid na si Briliantes ang naging abogado noon ni FPJ.

Ngunit ipinagtataka ni Cayetano kung bakit hanggang ngayon ay may ilang opisyal pa na sangkot sa dayaan ang hindi man lamang naparurusahan at nananatili pa sa komisyon, gaya na lamang aniya ni Comelec Director Rey Sumalipao ng ARMM.

Halatang naiipit si Briliantes dahil kahit hindi pa tapos magsalita si Cayetano, sumasagot na siya at sumasapaw sa senador.

Dahil dito, naka-dalawang beses na sinuspinde ang pagdinig na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel.

Nais mapiga ng mga senador ang pagkukulang ng Comelec kung bakit nagaganap ang dayaan at bumalangkas ng sistema para matiyak ang malinis na halalan sa bansa lalo na ngayong papalapit ang 2016 presidential elections.       (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …