Thursday , June 4 2026

3 Maria itinumba sa Vizcaya

CAUAYAN CITY, Isabela – Hindi pa makilala ang bangkay ng tatlong babaeng natagpuan patay dakong 5 a.m. kahapon malapit sa pampang ng ilog sa Purok 6, Indiana, Bambang sa Nueva Vizcaya.

Ayon sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), ang mga bangkay ng pinaniniwalaang mga biktima ng summary execution ay natagpuan ng magsasakang si Juanito Laciapag na residente sa lugar.

Sa imbestigasyon ng Bambang Police Station, inihayag ng residente sa lugar na si Lerma Dizon, dakong 2 a.m. ay may narinig siyang mga putok ng baril ngunit hindi niya ito pinansin.

Ang tatlong bangkay ng babae, may gulang 30-anyos hanggang 40-anyos, ay pawang may mga tama ng bala sa katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang mga biktima at malaman kung ano ang motibo sa pagpaslang sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …