Saturday , December 10 2022

SC spokesman Atty. Theodore Te nahiya o natakot sa live media coverage?!

00 Bulabugin JSY

ANYARE kay Supreme Court (SC) spokesperson Atty. Theodore Te?

Biglang naging camera shy?!

Kinikilala ng mga katoto natin na nagko-cover sa Supreme Court na mayroong mga patakaran na dapat sundin sa kanilang coverage.

Mayroon closed-door deliberations at mayroong mga kaso na hindi pa dapat isapubliko lalo’t hindi pa nagiging pinal ang mga resolusyon.

Pero kapag pinal na, walang dahilan para hindi isapubliko ang mga resolusyon o desisyong ito — kasama d’yan ang live coverage ng mga television network.

Ang BAR result, kabilang ‘yan sa mga nakasanayan nang i-cover nang live ng mga katoto natin.

Kaya naman marami talaga ang nagulat sa inasal kamakalawa ni Atty. Te.

Halos kalahating oras (30 minuto) na naghintay ang mga taga-media at kung hindi pa tinanggal ang mga kable na ginagamit sa live TV broadcast sa conference room ‘e hindi pa sisimulan ni Atty. Te ang press conference.

Kumbaga, antimano, nang sumpungin si Atty. Te ‘e bigla niyang ipinatigil ang live coverage.

SONABAGAN!

Gaano ba karami ang ‘asoge’ sa Supreme Court at parang biglang ‘nalason’ ang isipan ng isang dating human rights lawyer na naniniwala na ang transparency sa gobyerno ay bahagi ng karapatang pantao ng isang mamamayan?

Kailan pa natuto ang isang dating human rights lawyer na gaya ni Atty. Te na ikahon ang kanyang sarili sa mga burakratikong kautusan na lumalabag sa batayang karapatang pantao sa ilalim ng Bill of Rights (1987 Philippine Constitution)?

Shocking ka talaga Atty. Te!

Naglinaw pa si Atty. Te at sinabing, “It’s not a rule of the Supreme Court … It’s part of how this PIO understands its role in presenting the court’s message requirement.”

Mukhang gusto nang magtayo ng sariling kaharian ni Atty. Theodore Te sa loob ng Supreme Court …

Tsk tsk tsk …

Nakakukulta ba ng utak ang trabaho sa Supreme Court, Atty. Te?!

Baka-bakasyon din kapag may time Atty. Te, tagal-tagalan mo na rin kung pwede o kaya sagarin mo na hanggang 2016 ang pagbabakasyon …

Ang tindi naman kasi ng turn about ninyo Atty. Te, 180 degrees, from human rights lawyer to civil rights violator?!

Tsk tsk tsk …

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply