Thursday , December 1 2022

Juday, gusto nang sundan si Lucho

ni Vir Gonzales

NAKAHIHINAYANG naman ‘yung proyektong Maria Leonora Teresa, pamosong manika nina Nora Aunor at Tirso Cruz III noong araw dahil tinanggihan ni Judy Ann Santos.

Noong Birthday ni Juday, ipinaliwanag niyang nanghihinayang din siya pero hindi ito matatanggap dahil may mga ibang commitment na naunang tinanggap.

Ayun, napunta tuloy kay Iza Calzado na tuwang-tuwa. Rati kasing reyna ng masa si Juday at bagay na pumalit kay Nora na 20 years na reyna ng pelikulang Tagalog.

May mga nagkokomento, baka kaya hindi na tinanggap ni Judat ay dahil gustong masundan na ang anak nila ni Ryan Agoncillo? Mahihirapan nga namang magkaroon ng kasunod ang kanilang anak, dahil tiyak puyatang katakot-takot kapag may teleserye na.

Oo nga naman. Parang gusto na nilang masundan. Balitang magbabalik ang Talentadong Pinoy ni Ryan sa TV5. Lumalaylay kasi ang naturang estasyon buhat nang mawala ito sa ere.

BE CAREFUL… KAILAN NGA BA MATATAPOS?

MAY mga nagtatanong, bakit daw hanggang ngayon, hindi pa matapos-tapos ang Be Careful with my Heart? Napakahaba naman daw teleserye, parang paulit-ulit na lang.

Nagkaligawan na sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria, naging mag-asawa, nagka-anak na, pero heto ka, hindi pa rin tapos ang istorya.

Marami kasi ang gusto namang makapanood kay Richard at Jodi na iba naman ang kapareha. Para kasing naibigay ng lahat ang dapat makita sa naturang teleserye. Mabuti nga may gagawin si Richard kasama si Vice Ganda. Hindi po sila magkapareha, magkasama lang.

Katakot-takot na blessings ang natanggap ni Richard sa naturang proyekto katambal si Jodi.

About hataw tabloid

Check Also

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PAni Rommel Placente GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with …

Bianca Gonzalez

Bianca minsang naabuso sa isang relasyon 

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong …

Rhian Ramos Sampaloc

Rhian namigay ng pangkabuhayan sa mga mami sa Sampaloc

I-FLEXni Jun Nardo PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang …

Leave a Reply