Thursday , February 9 2023

Gusto n’yo bang bumili ng tangke?

HINDI man namuhay si Jacques Mequet Littlefied sa pambihirang paraan, pumanaw siya sanhi ng sakit na kanser sa edad 59 anyos noong 2009.

Subalit kakaiba din naman ang iniwan ng mayamang San Francisco Bay Area collector dahil kabilang sa kanyang koleksyon ay apat na dekada ng sari-saring mga sasakyang de giyera. Tunay nga, mga tangkeng nagmula pa sa nakaraang digmaang pandaigdig. At ilan pang mga bagay na may kaugnayan din sa giyera, kabilang ang mga SCUD missile, amphibious personnel carrier at anti-tank gun.

Habang ang 80 sa koleksyon ni Littlefield ay nakalaan na sa Collings Foundation sa Stow, Massachussetts, ang nalabing 200 lots ay isusubasta sa Auctions America sa Hulyo 11 hanggang 12 sa dating tahanan ng collector na ngayo’y isa nang museo sa Portola Valley, California.

“Ang specialty ko, mga kotse na nakakakita na rin ako ng mga pambihirang koleksyon, pero nang makita ko kung ano ang kinolekta ni Ginoong Littlefield sa kanyang tahanan, napamangha ako,” ani Ian Kelleher, na isa rin sikat na collector. “Sa dami lang magugulat ka na. Hindi mo puwedeng balewalain ang SCUD o Russian ICBM missile na kasama sa koleksyon.”

Partikular na napamangha si Kelleher sa isang 1942 Sherman M4 tank. “Nangilabot ako,” aniya. Ford ang gumawa ng tangke na gumagamit ng 450-hp V8, isang 76mm main gun at mga machine gun. Inaasahang bebenta ito nang mula US$275,00 hanggang US$325,000.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

SM VDay KV

So you’re looking for the sweetest valentine? SM Supermalls’ gotchu!

Whether you’re single but not going solo, in a committed relationship, or just happy and …

Krystall Herbal Oil

Maliliit na bukol-bukol sa kamay ng plantsadora unti-unting nawala sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Mahirap po …

Sylvia Sanchez Rhea Tan Lorna Tolentino

Lorna Tolentino, suki sa A-List Avenue

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio STAR-STUDDED ang naging grand opening and ribbon-cutting ceremony ng sosyal at magarang Beautederm Corporate …

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

63-anyos Plantitong may arthritis guminhawa sa Krystall Herbal Oil at Krystall Vitamins B1B6 ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Halos isang …

Marian Rivera Dingdong Dantes Rhea Tan Beautederm 2

Beautederm ambassadors nagsama-sama sa unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters 

MATABILni John Fontanilla BILANG paghahanda sa ika-14 anibersaryo ngayong 2023, binuksan kamakailan ng Beautéderm Corporationang taon …

Leave a Reply