Wednesday , December 7 2022

Meet the ‘rebel daughters’ of showbiz

ni Ronnie Carrasco III

IN no particular order, pero bumulaga sa publiko ang mga sumusunod na “rebel daughters” sa showbiz.  However, each of them has a different story to tell.

Rebel daughter #1: Heart Evangelista. While she professes kung gaano niya kamahal ang kanyang ama—perhaps more than her mom—ay nananatiling civil and respectful pa rin ang TV host-actress sa alitan niya sa kanyang mga magulang.

Tanggap ng kanyang parents ang kanyang nakaraang lovelife, but it wasn’t untilSenator Chiz Escudero who came into her life ang pinag-ugatan ng ‘di nila pagkakaunawaang mag-anak. For some reason, obvious na hindi boto sina Mr. and Mrs. Ongpaungco sa kasalukuyang nobyo ng anak.

Rebel daughter #2:  Gretchen Barretto. Wala na yatang mas hihigit pa sa away ng aktres at ng kanyang mga magulang. Isantabi muna natin si Claudine sa eksena, but this parent-child quarrel reeks of shameless katsipan and sumbatan that dates back many, many years ago. Mala-puno ‘yon ng mga pinagsanga-sangang katsipan best kept within the confines of the Barretto household, pero nagmistulang kahon ni Pandora from which all ills and evils have come out for public consumption.

Rebel daughter #3: Maegan Aguilar. Matapos palayasin ang kanyang mag-anak ng mismong amang si Ka Freddie, buo na ang loob ng hitad never to crawl her way back into her dad’s house, na sa isang silid na walang aircon ang kanilang pinagtiiisan since 2011. The jobless, parasite-like Maegan blames it sa kanyang tatay mula raw nang pakasalan ang ‘di hamak na mas bata niyang madrastang taga-bundok. This careless, tactless and condescending 35 year-old woman na hindi naman kagandahan at may kaangasan ang dating should watch her language.

Common to the three showbiz rebel daughters ay ang pagiging intelihente at smart nila. Inglisan kung Inglisan, all of them have a good command of the language.

Unsolicited advice lang kina Gretchen at Maegan:  do a Heart Evangelista.

Hindi naman kasi nila kailangang ilako sa bilao ng katsipan ang mga galit nila sa kani-kanilang mga magulang, when Gretchen and Maegan can be both civil and civilized.

About hataw tabloid

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply