LOLA: Palimos po.

GIRL: Uhm… lola bakit po dalawa lata n’yo?

LOLA: Ineng, umaasenso din naman tayo … Awa ng Diyos, eto nakapagbukas ng isa pang branch.

***

Mga pangako

AQUINO: HINDI AKO MAGNANAKAW

VILLAR: HINDI AKO NAGNAKAW

TEODORO: HINDI KO KAILANGAN MAGNAKAW

GORDON: HINDI DAPAT MAGNAKAW

PERLAS: HINDI MAKATAO ANG MAGNAKAW

DE LOS REYES: LABAG SA DIYOS ANG MAGNAKAW

VILLANUEVA: HINDI MAKADIYOS ANG MAGNAKAW

ERAPKURAP: KAILANGAN KO NA ULIT MAGNAKAW

BANGAWROYO: ”NGAYON WALA NA KAYO MANANAKAW HAHHAHAHHA”

***

erap and fvr

Isang araw sa likod-bahay ni Erap…

Erap: Oy, akyat ka nga do’n sa puno ng Chico,tignan mo kung hinog na ‘yung mga bu-nga!

Fvr: (Nagsasalita habang nakasubo ang tabako) O sige! Sandali lang maya-maya…

Fvr: Hoy Erap hinog na!!

erap: O sige bumaba ka na d’yan at su’sungkitin ko!!

(Ay luko-luko)

Gumawa ng sariling PALASYO…