Wednesday , April 17 2024

Pagpapakasal ni Zsa Zsa kay Architect Conrad, ipapaalam muna

ni Nene Riego

KALAT na ang balitang ikakasal na si Zsa Zsa Padilla sa dyowang si Conrad Ongpao. Sa huling balitaan namin ng Divine Diva’y sinabi niyang ‘di pa umaabot sa ganoong usapan ang kanilang relasyon.

“Napakabuti niya. Napakabait niya sa akin. I thank him for making me love again. Hindi ko pansin ang mga paninira sa kanya, kasi’y ako ang mas higit na nakakakilala sa kanya more than anybody else,” sabi ni Zsa.

By the way, ‘di po ang inyong lingkod ang “Nene” na tinukoy niyang manager sa kanyang posting sa Instagram after her 50th birthday celebration sa ASAP. Si Nene Atilano po ‘yon. Si Nene na kasama niya through thick and thin.

At ang kasal? ”I need to be asked first,” sabi niyang may kabuntot na malakas na tawa.

Oo nga naman.

Sa totoo lang  ang tatlong anak ni Zsa na sina Karylle, Nicole, at Zia ay wala raw tutol kay Architect Onglao. Maging ang mga anak na lalaki ni Pidol ay masaya for her. ”Naging mabuti siya sa aming Daddy. Mabait din siya sa ’min. May karapatan siyang lumigaya. Dasal nami’y mahalin siya ng bago niyang boyfriend,” sabi ni Eric Quizon.

SINO-SINO NGA BA ANG MGA TOP ENDORSER?

SA isang harapa’y napag-usapan ng ilang kapatid sa panulat kung sino-sino ang top product endorsers among showbiz personalities. Sa babae’y numero uno si Kris Aquino kasunod sinaSharon Cuneta, Judy Ann Santos, Carmina Villaroel, Anne Curtis, Angel Locsin, at Vilma Santos.

Sa lalaki’y nasa listahan sina Vic Sotto, Michael V, John Loyd Cruz, Boy Abunda, Robin Padilla, Daniel Padilla, at Coco Martin.

Sila ang biggest earners. Siyempre, sa kanila rin nakatutok ang matatalas na mata ng mga ahente ng BIR (Bureau of Internal Revenue).

RACHELLE, SOSYALERANG CONSERVATIVE

PAPEL ng isang bar girl ang ginagampanan ni Rachelle Anne Go bilang Gigi sa Miss Saigonna ngayo’y dinarayo ng mga tao sa United Kingdom.

Kilala si Rachelle bilang sosyalera pero conservative at dahil miyembro ng Victory Christian Fellowship ay kinabahan nang first time umakting sa stage na seksing outfit ang suot.

“Ang nagpalakas ng loob ko’y ang aking idol na si Lea Salonga. Bago nag-Broadway stage ay mahinhin siya at conservative kung manamit.  Later on, okey na siya. Palagay na ang loob. Nanalo pa nga ng awards,” sabi ni Rachelle.

Good luck and more power Rachelle. Ipakita mo sa mga banyaga na magaling ang Pinoy kahit saan, kahit kailan, at kahit sa anong larangan.

About hataw tabloid

Check Also

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *