Wednesday , July 17 2024

Isabel Granada, versatile na singer at aktres!

ni Nonie V. Nicasio

AFTER nang mahabang panahon ay muli kaming nagkita ng kumare kong siIsabel Granada last week, sa birthday celebration ni katotong Rommel Placente. Siyempre, together with Issa ay ang loveable na si Mommy Guapa.

Ganoon pa rin si Issa, hindi nagbabago at walang kupas. Maganda pa rin at higit sa lahat, sexy pa rin ang aming Kumare. Nang kantahan niya si Rommel, iyon pa rin ang bumibirit na singing voice ni Issa.

Hanep pa rin ang tisay na aktres at hindi pa rin nagbabago ang kanyang boses.

Ganoon pa rin ang dating Isabel na kilala namin, na parang may amplifier sa kanyang lalamunan sa galing sa biritan. Ang galing ng interpretation niya ngTitatium at ipinakita niya rito ang kanyang kakaibang estilo bilang singer.

Sa pagkakatanda ko, last na napanood si Issa ay sa Got To Believe na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nakatutuwa rin na nakalalabas si Issa sa ABS CBN at GMA.

Kung sa ilang TV series ay naging kontrabida sa Issa, nang napasali siya sa Got To Believe ay mabait at lovable ang karakter niya rito. Kaya kahit nawala na sa sirkulasyon ang ibang contemporaries ni Issa, nandiyan at humahataw pa rin ang singer/actress. Of course, ang isa sa rason nito ay ang kanyang versatility.

Incidentally, dahil may nakatsika kaming ilang avid fans ni Issa na nag-react positively sa photos sa FB nina Issa at Carlos Agassi, inusisa namin tungkol dito si Isabel.

Bakit kayo nagkaroon ng photos ni Carlos na magkasama? “Nag-show po kasi kami sa Nueva Vizcaya noong May 22 para sa Nueva Vizcaya Got Talent at before the show ay nag-open shoot kami with mga photograhers na magagaling headed by Maybelle Dumlao Sevilla,” saad niya.

May mga fans kasi kayo na nagsasabi na may chemistry pa rin kayo ni Carlos kaya sana ay magkaroon ulit kayo ng TV projects, nagkasama na ba kayo rati?

“May nagsabi nga po niyan Kuya na may chemistry pa rin daw kami ni Carlos sa screen, nagkasama kami rati sa Wansapanatym wherein I played the role of Snow White and siya yung prince ko and nag-rate ‘yun ng number one. And noon, kahit sa Star Olympics ay nagiging partner kami e.

“In all fairness, hanggang ngayon ay ang galing pa rin mag-perform ni Carlos,” wika pa ni Isabel.

ALEXA ILACAD, HUMAHATAW ANG CAREER!

MALAKAS ang dating ng teen actress na si Alexa Ilacad. Mula sa pagiging bahagi ng Goin Bulilit, napasali siya sa casts ng youth oriented ABS CBNshow na LUV U, kapareha si Nash Aguas. Dahil dito, lalong nagningining ang bituin ng 14 year old na dalagita.

Sa ngayon, ang love-team nila ni Nash ang isa sa tinitilian ng maraming fans. Kaya sinasabing tinalbugan na nila ang ilang kasama sa LUV U, lalo na sina Miles Ocampo at Marco Gumabao. Ano ang comment niya rito?

“Flattered po kami, pero, marami rin pong nakaka-miss sa tambalan nila, kaya nga po sila ibabalik na sa LUV U,” wika ni Alexa.

“Hindi po kasi namin iniisip ang ganyan, pero siyempre po ay natutuwa kami na iniisip nila na malakas ang love team namin. Na napag-iisipan nila na bagay kami, dahil we really work hard naman po talaga para maabot kung anoman ‘yung stage na naabot namin ngayon. And madami na rin kami napagdaanan,” dagdag pa niya.

Ano ang masasabi ni Alexa sa pagbabalik ng ilang dating casts ng LUV U? Matutuwa kaya ang fans nila sa balitang ito?

“Opo, kahit po kami, sobrang natutuwa noong nalaman namin iyon. Kasi, more kulitan, more gabihan sa set (ang katumbas nito),” nakatawang sabi niya. “Puro laro ng laro…. Hayun po, siguradong sobrang matutuwa sila, dahil na-miss nila iyong old batch.

“Pero ngayon ay kasama na rin ang new batch na minahal na rin nila. So mas masaya, mas maraming mapapanood at mas maraming kulitan.”

About hataw tabloid

Check Also

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata …

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …

cyber libel Computer Posas Court

Batas laban sa Cyber Crime malabnaw

HATAWANni Ed de Leon NATAWAG ang aming pansin sa isang video na napanood sa programa …

James Reid Liza Soberano

James inihayag Liza maraming nakalinyang projects

MA at PAni Rommel Placente MALAKI raw ang posibilidad na gumawa ng pelikula sina James Reid at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *