Notorious casino financier sandamakmak ang police bodyguards (Attn: SILG Mar Roxas)

ISANG tinaguriang notoryus na Casino financier dβyan sa Pasay City ang kapansin-pansin sa publiko dahil sa kanyang sandamakmak na bodyguards.
Ayon sa ating mga impormante, karamihan ng bodyguards ni alias JOSEPH ANG, ang Casino financier sa Resorts World na hinabol ng saksak dahil umano sa onsehan ng isang player na Chinese national na sabit sa ilegal na droga, ay aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Isa na nga riyan ang isang pulis na alias BISPERAS na dating nakatalaga sa Eastern Police District (EPD) na grabe ang kahangutan sa katawan.
Kung dati ay tatahi-tahimik at susukot-sukot lang si Joseph Ang dβyan sa Resorts World Casino, ngayon, para na siyang βKING OF CASINOβ dahil sa sandamakmak na bodyguards.
Ano na ba ang nangyayari sa Police Security and Protection Group (PSPG) C/Supt. Manuel Felix?!
Hindi na talaga natin maintindihan kung sino ba talaga ang βBOSSβ ng mga public servant na pinasusuweldo ng Filipino taxpayers.
Sabi ni Pangulong Noynoy noong bagong upo siyang Pangulo ng bansa, βKayo ang BOSS ko!β
Ibig sabihin, ito ang hudyat na UNA sa kanyang administrasyon ang sambayanan.
Pero habang lumalaon, ang slogan na βKayo ang BOSS ko!β ay hindi naging replika sa ibaβt ibang ahensiya ng pamahalaan.
Lalo na raw sa hanay ng ibaβt ibang law enforcement units.
βYan ngang PSPG, ang pinoproteksiyonan mga dayuhang Chinese na sangkot sa mga notorious na aktibidad gaya nga ni Joseph Ang.
Ni hindi nga nagbabayad ng buwis βyan tarantadong Joseph Ang na βyan!
Ang katwiran ng ilang police official kaya raw hirap silang imantina ang peace and order βe dahil kulang ang mga pulis natin.
βE bakit βyang si casino financer Joseph Ang, sandamakmak ang bodyguards na pulis?!
Gen. Felix, Sir, pwede bang busisiin ninyo ang sandamakmak na PNP bodyguards ni Joseph Ang na pinasusweldo ng sambayanan?!
Agrabyadong-agrabyado ang taong bayan sa sistemang ganyan!
[divider]
REP. JOSELITO βJONJONβ MENDOZA NG BULACAN PARANG HINIPANG LOBO ANG KAYAMANAN
GINULAT ni Bulacan representative Joselito βJonjonβ Mendoza ang kanyang constituents nang umabot sa 3,000 percent ang inilaki ng kanyang kayamanan batay sa isinumite niyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).
Noong 2012, nakalagay sa SALN ni Bulacan 3rd District representative Jonjon Mendoza na ang kanyang kabuuang net worth ay umabot lamang ng P850,000 (eight hundred fifty thousand pesos), wala pang isang milyong piso.
Sa kanyang 2013 SALN, umabot na sa P26,672,080 (twenty-six million, six hundred seventy-two and eighty thousand pesos) ang kanyang total net worth.
Kulang isang taon lang βe lumobo na nang 3,000 ulit ang kayamanan ni Jonjon?!
Tsk tsk tsk β¦
Hindi na tayo nagtataka kung bakit marami talaga ang gustong pumasok sa politika β¦ mas bumibilis kasi ang kanilang pagyaman β¦he he heβ¦
βE how about si ATE JOSIE?
Ilang porsiyento kaya ang itinaas ng kanyang NET WORTH?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
