Wednesday , December 7 2022

Hustler sa tong-its kritikal sa tarak ng 2 talunan

DAHIL hindi matalo-talo sa tong-its, pinagtulungan saksakin ang isang obrero ng dalawang suspek habang pumipinta ng baraha sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kritikal sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang si Matt Vicente, 31-anyos, ng 206 Barrio Bitik, Brgy. Gen T. De Leon, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Esmeraldo Ocenar, 39, mekaniko, at Tommy Cases, nasa hustong gulang, kapwa ng  60 Kapisanan ng Anak ng Dalita Compound, Serrano St., Brgy. Marulas, nahaharap sa kasong frustrated murder.

Nabatid, maaga pa’y nakikipag-tong-its ang biktima kalaban ang mga suspek hanggang talunin at ubusin ni Vicente ang pera ng mga kalaban.

Sa salaysay ng isang testigo, umalis ang mga talunang suspek pero agad bumalik,  pinagmumura si Vicente saka pinagsasasaksak.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Covid-19

Sa Cagayan
154 ESTUDYANTE, GURO MAY SINTOMAS NG COVID-19 F2F CLASSES SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG ipinassuspende ni Mayor Samuel Siddayao ng bayan ng Gattaran, sa lalawigan ng Cagayan, ang …

construction

Mandatory insurance coverage iginiit sa construction workers

NAIS ni Senador Win Gatchalian na mabigyan ang mga construction worker ng mandatory insurance coverage …

DICT Department of Information and Communications Technology

Kontrobersiyal Salazar nagbitiw na sa DICT

NAGBITIW na sa puwesto si dating Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Jose Vicente Salazar sa …

Farmer bukid Agri

Panukalang batas para sa 2nd phase ng CARP, inihain sa Kongreso

NAGHAIN ng isang panukalang batas si Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman na layong makompleto …

PhilSys ID digital version

Pag-imprenta ng digital PhilSys ID, pinabibilisan

PINAMAMADALI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pag-imprenta ng …

Leave a Reply