Maricel, never mai-in-love sa mas bata sa kanya (Dingdong, na-intimidate kay Maria)
ni Rommel Placente
[divider]
SA bagong serye ng GMA 7 na ang Ang Dalawang Mrs. Real ay gumaganap si Maricel Soriano bilang misis ni Dingdong Dantes na mas bata sa kanya.
Ayon kay Maricel nang makausap namin, hanggang sa serye lang daw siya puwedeng ma-in-love sa mas bata sa kanya, sa totoong buhay daw ay hindi โyun mangyayari.
โAy, hindi ko kaya! Hindi!โ sabi ni Maricel.
โPero si Millet karakter niya sa teleserye) kinaya niya. Pero si Maria, parang mahirap. Hindi pumapasok sa utak ko iyan,โ aniya pa.
Kumusta naman si Dingdong bilang bagong katrabaho at asawa niya ang role?
โMaginoo si Dingdong at magaling, huh! Guwapo! mabango!โ sagot ni Maricel
โOkey naman siya, eh. Marunong. Magalang pa. Edukadong tao! Sobra!โ dagdag pa niya.
ni Rommel Placente
[divider]
ย
DINGDONG, NA-INTIMIDATE KAY MARIA
Ayon kay Dingdong, na-starstruck at naintimidate raw ito kanya. Kaya hindi raw nito alam kung paano ang gagawin at kinakabahan siya sa eksena nila na sinisigawan siya nito. Ano ang reaksiyon niya?
โPero nagawa niya, hindi ba? Ayun, o..sa trailer kanina โdi ba? Sinigawan niya ako. Ako naman martir na asawa na sunod lang ng sunod sa kanya kasi mahal ko siya! O, โdi ba, ang drama?โ
Eh si Lovi Poe, kumusta naman silang dalawa?
โAy, ang gandang bata at ang sexy! Ayun, o! (sabay turo ni Maria sa kinarorooonan ni Lovi). Nagkasama na kami rati kaya lang hindi kami nagkasama sa eksena. Rito may mga scene kami together at โyun ang aabangan nโyo since pareho nga kaming Mrs Real, โdi ba?โ sabi pa ng Diamond Star.
May sampalan at sabunutan bang magaganap kapag nagharap na sila ni Lovi dahil malalaman nila na pareho silang asawa ni Dingdong sa serye?
โAy hindi ko alam! Alam nโyo ba?โ balik-tanong ni Maria sa press.
โMalayo pa โyun, eh. Magsisimula pa nga lang, o..bakit parang ang bilis naman yata?โ natatawang sabi pa ni Maria.
Happy ba siya sa first Kapuso teleserye niya?
โIn fairness, masaya kami. Masaya ako. Magandang experience ito. Bonggang-bongga!โ pagtatapos ng award-winning actress.
