Tuesday , April 30 2024

Kalandian ng Kapuso young actress, ating nakompirma

ni Peter Ledesma

Totoo pala talaga ‘yung mga nasusulat tungkol sa kalandian sa boys ng Kapuso young actress na na-involved noon sa isang nakahihiyang iskandalo kung saan sangkot rin ang ex na Deejay at TV personality. Hindi ba’t super deny noon si youngstar na beauty and brainy pa naman na hindi siya totoong nagpupunta sa condo ng deejay na nakarelasyon niya ng dalawang taon. Pero huwag ka tuwing kinakati siya ay kahit na madaling araw ay bigla na lang itong susulpot sa loveness nila ng dating Papa. Ganito rin ang drama ng tinutukoy nating mahusay umarteng actress sa hunky deejay na kanyang ipinalit sa kiss and tell na ex. Siya, talaga itong bumibisita sa condo ng kanyang huge na Papa somewhere in Pasig. At may mga pagkakataon na hindi na siya umaalis at buong linggo siyang naka-stay sa papalicious na boyfriend. Hahaha talagang nagpapalaspag siya. Well hindi na ito kataka-taka dahil marami na siyang pinatulan noon pa. Anong nangyari sa kanila ng boyfriend deejay na dyowa ng singer-actress na pasaway rin ang images. Hayun nang magsawa siya ay nagbabu na rin siya rito at mukhang naghahanap naman ng ibang makaka-chorvahan niya. Nakakalokah! talaga ang babaing ito na hindi yata kuntento sa isang guy, at gustong niyang matikman ang lahat. Mabuti na lang at kahit maharot siya ay binigyan uli siya ng bagong project ng kanyang mother studio.. Zinolala si young actress? Obyus naman kaya wala ng clue gyud!

COCO MARTIN BAGONG BOX OFFICE STAR, MOVIE NILA NI SARAH GERONIMO AABOT NA SA 100 MILLION

Punong-puno ng pasasalamat pareho sina Coco Martin at Sarah Geronimo sa moviegoers, dahil in just 5 days magmula ng ipalabas ito noong May 28 ay kumita na ang super kilig at pinakamalaking romantic film nila ngayong taon na “Maybe This Time.” ng 80 milyon sa takilya at patuloy pang pinipilahan sa mga sinehan sa buong Pilipinas. They deserved a box office hit, naman talaga kasi ‘yung movie nila ay may magic na hatid lalo na sa mga in-love at parang diesel ang kuwento ha, na habang patagal nang patagal mong pinanonood ay lalong umiinit sa tindi ng mga pasabog na eksena. Maganda ang atake ni direk Jerry Lopez Sineneng sa kanyang dalawang bida at hinayaang ibigay ng mga ito ng todo ang hinihingi ng kanilang bawat karakter. Ang maganda ay kumikita na ang pelikula ng bagong sikat na team-up na Cosa(Coco and Sarah) ay marami pa silang linya sa movie na tumatak talaga sa mga manonood tulad ng “There was never an us” na parehong dialogue nina Teptep(Sarah) at Tonio(Coco) ang kainis na dialogue ng gumaganap na girlfriend ni Coco na si Ruffa Gutierrez na “Catch my drift” at paulit-ulit na pagko-correct kay Tonio sa pagtawag sa kanya ng “Babes” na Babe lang dahil singular at isa lang siya. Sobra-sobrang aliw factor rin ‘yung na-contribute ni Ogie Diaz bilang si Mama Mae sa film kung saan naging game sina Sarah at Coco nang bitawan nito sa isang eksena ang famous na pinoy tounge twister na “Minemekaniko Ni Monico ang Makina ng Minica ni Monica.” Grabe! ang tawanan lalo pa’t habang nag-uusap ang tatlo ay biglang tumawag si Monica kay Tonio at hayun hagalpakan talaga sa kakatawa ang mga katabi naming nanonood sa first screening ng movie sa Trinoma Cinema 7 ng mag-open ito last May 28. At dito lang sa Maybe This Time niyo mapapanonood ang iba’t-ibang kahulugan ng salitang “MU” na bukod sa mutual understanding ay binigyan ng iba pang meaning ni Teptep na sobrang na-sad noong una sa nangyari sa kanila ni Tonio pero sa huli ay happy ending naman sila ng lalaking minamahal sa movie. At kung kami ang tatanungin, dito sa pelikula nila ni Coco ay mukhang matutupad na ang pangarap ni Sarah, na ma-acknowledge na ang kanyang pagiging actress kasi ang galing ng portrayal niya rito at nakipagsabayan talaga siya ng acting kay Coco na numero uno pagdating sa drama. Hala sige, kung gusto niyong ma- aliw at maging feeling in-love watch kayo ng Maybe This Time. This movie is for you gyud!

TONI GONZAGA NG ANTIPOLO CITY NA SI MIKA MARIANO WAGING “QUEEN OF FIRE,” SA SUPER SIREYNA WORLDWIDE NG EB

Compared to Miss Gay Philippines ay mas classy naman ang dating ng Super Sireyna ng Eat Bulaga. At nag-evolve na rin ang nasabing Gay beauty pageant dahil ginawa na itong worldwide ng programa na ang peg ay international pageant. Yes kahit mga gay ang kalahok ay di pakakabog ang mga ito sa ganda, kaseksihan at katalinuhan. Kaya naman hirap talaga tuwing Sabado ang mga naiimbitahang judges kung sino sa mga weekly grand finalists ang kanilang papanalunin para sa iba’t -ibang title na pinaglalaban. Kagaya noong Sabado aba’y sa sobrang ganda at talented na mga finalists na daig pa ang itsura ng mga totoong muher ay sobrang effort talaga ang ginawa ng panel of judges na kinabibilangan nina Dabarkads Pauleen Luna, Master Joey de Leon, Shamcey Supsup, Miss Philippines Earth 2014 Ms. Jamie Herrel at Dingdong Dantes para maging fair sila sa kanilang mga score o hatol sa mga ito. At ang nag-stand out sa mga ito at tinanghal na Queen of Fire ay walang iba kundi ang “Toni Gonzaga” ng Antipolo City na si Mika Mariano. Mika got 94.8% score na nag-panalo sa kanya including her beauty, talentkung saan nagpamalas ito ng galing sa pagsayaw at siyempre pa isang malaking factor rin ‘yung pagiging witty niya. At ‘yung premyong kanyang napanalunan na 200 K, ay malaking bahagi nito ay itutulong ni Mika sa Bahay Kanlungan sa lugar nila sa Brgy. Dela Paz Antipolo City. Si Mika rin ang nananalo sa special award na “Dabarkads Choice Award” kung saan tumanggap siya ng premyong 10 K bouquet of flowers and saspins.

About hataw tabloid

Check Also

Camille Villar Willie Revillame Manny Villar

Camille nananatiling kaibigan si Willie (lumipat man sa TV5)

I-FLEXni Jun Nardo LAYUNIN ni Congresswoman Camille Villar na makatulong sa film industry pati na rin sa …

Rita Daniela

Rita biniyayaan ng malusog na dibdib magpapabawas kaya?

I-FLEXni Jun Nardo WALANG planong magpabawas ng boobs ang Sparkle artist na si Rita Daniela kahit isa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Sikat na male star may pa-live show sa hotel, pwede pa ang ‘pasabog’ kung may dagdag

ni Ed de Leon NAGULAT kami nang sunduin ng isang kaibigan noong isang araw at …

Andres Muhlach Atasha Muhlach

Atasha natural na komedyante, Andres malakas ang dating

HATAWANni Ed de Leon NAGIGING natural na comedian si Atasha Muhlach simula nang mapasama sa Eat Bulaga. Marami …

Floy Quintos

Batikang direktor na si Floy Quintos pumanaw na

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT din kami nang mabalita noong isang araw na namatay na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *