Tuesday , April 16 2024

Sarah, proven and tested na ang lakas sa takilya kahit kanino pa ipareha

ni Pilar Mateo

PERS TAYM ko yatang nag-effort talaga na bumangon ng maaga para makanood sa first day at first hour ng pinag-uusapang pagsasama sa pelikula nina Sarah Geronimo at Coco Martin!

Hindi ako sa dalawang sinehang punumuno sa premiere night nakipag-gitgitan. Gusto kong namnamin ang panonood lang, base na rin kasi sa mga naikuwento ng katotong Ogie Diaz kung bakit dapat namin saksihan ang ‘pagbali’ nila ni direk Jerry Sineneng kay Coco sa mga eksena niya.

Ano ba’yun-maraming eksenang nabibikig ang lalamunan ko-sa kuwento at backstory ng love story nina Tonio (Coco) at Teptep (Sarah). Pero, bumigay na ang luha ko, pati ng mga katabi ko nang istorya na ng pamilya ang tinutunghayan naming mga eksena.

At maski kami, nababali ang pag-agos ng luha namin, ha? Dahil naman ito sa mga timing ng comedy ni Ogie bilang si Mommy Mae na nakapagitan sa mga bida.

At si Ruffa Gutierrez bilang si Monica, na mini-mekaniko ang makina ng kanyang Babe, ayon sa nilaro-larong salita ni Mommy Mae. This scene you’ve got to see!

Kilig na kilig kami sa kaguwapuhan ni Coco. Na nag-iba ng look, nag-iba ng acting, nag-iba ng style sa kabuuan ng pelikula. Ang lalim ng pinaghugutan ng mga luha ni Sarah sa mga eksena niya. Na sinapo naman ng swak na swak na pag-ganap ni Coco.

Alam mo where they are coming from and sparks are flying from where they are coming. At sabi ko nga, smashingly good ang timing din ng pagsasama sa dalawang mahusay na sa drama eh, epektib din pala sa comedy na mga artista.

Proven and tested na! Kanino man ipareha si Sarah, tiyak tutugma ang pareha. May magic ang babaeng ito sa panghawa ng kemistri sa kanyang kaeksena. Hindi ko nakita sa palikulang ito ang mga pumaimbulog na karakter ni Sara, lalo na si Laida Magtalas. Pero mamahalin at kakikiligan mo siya sa katauhan niya as Stephanie o Teptep.

Sa first hour nito sa first day of showing, nakita ko na pumila ang mga nanay, mga dalaga at may mga kasamang significant other nila. Eh, ‘di lalo pa sa gabi at sa mga susunod pang gabi.

Naaliw nga ako roon sa mag-syotang tumabi pa sa standee ni Sarah. Nagpa-picture ang guy na ka-holding hands si Sarah habang kinunan siya sa sari-saring pose ng kanyang sweetheart. Magpapa-picture rin sana ako. Pero kay Coco, ‘no? Kaso, ‘di ko makita ang standee niya.

Crisp ang dialogues kaya magkandahulog kami sa katatawavsa pagpapalitan nito nina Sarah, Coco, at Ogie.

Gusto ko ng magtago sa mga hingi nang hingi ng passes! Every day, by the day, they keep on growing, ha! Ganoon ang interes nilang mapanood sina Tonio at Teptep.

About hataw tabloid

Check Also

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *