Thursday , July 25 2024

Mommy D. target i-KFR ng Abu Sayyaf (Sa P250-M ransom)

053014_FRONT

GENERAL SANTOS CITY – Balak dukutin ng grupo ni Radulan Saheron ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang ina ni Congressman Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia at ipatutubos siya sa halagang P250 million.

Sa ulat na ito, ini-heightened alert na ang lahat ng estasyon ng pulisya sa General Santos City makaraan matanggap ang intelligence report na nagpadala si Radulan Saheron ng ASG, ng kidnap for ransom group sa SOCSKSARGEN.

Puntiryang kidnapin ng nasabing grupo ang mga negosyante saka dinadala sa Jolo, Sulu para ipatubos.

Napag-alaman, sinasabing kabilang din sa target ang ring icon gayondin ang mga foreigner na pumupunta sa Gumasa, Glan, Sarangani Province.

Inaalam din ng pulisya ang sinasabing dumaong noong nakaraang linggo si Saheron alyas Kumander Putol, sa Palembang, at Kalamansig, Sultan Kudarat gamit ang twin engine pumb boat.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Denver Chua Jolo Revilla Cavite

200 + pamilyang biktima ng sunog sa Cavite City dinalaw ni Senator Bong

DINALAW ni Senator Ramon “Bong”Revilla, Jr., ang mahigit sa 200 pamilyang nasunugan sa Brgy. 5 …

Carina ulan baha

Klase suspendido sa Metro Manila at Cavite Province

SUSPENDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite dahil sa …

072324 Hataw Frontpage

POGO ‘TODAS’ KAY BONGBONG

“EFFECTIVE today all POGOs are banned.”                Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …

Cruise Visa Waiver DOT DOJ Immigration

PH target maging tourist hub of Asia  
CRUISE VISA WAIVER INILUNSAD NG BI DOT, DOJ NAKIISA

PARA higit na palakasin ang turismo sa bansa, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang …

P10-M makinaryang pambukid ipinagkaloob ng PAGCOR sa Bulacan

P10-M makinaryang pambukid ipinagkaloob ng PAGCOR sa Bulacan

PORMAL nang ipinagkaloob ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang P10-milyong halaga ng mechanized …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *