Tuesday , April 16 2024

Joem Bascon’s Ang Bagong Dugo, swak sa mahihilig sa hard action

ni Nonie V. Nicasio

TINITIYAK ni Joem Bascon na kargado sa matitinding action ang pelikula niyang Ang Bagong Dugo ng 3J’s Film and Entertainment Production Incorporated at mula sa pamamahala ni Direk Val Iglesias.

Ayon pa kay Joem, naiibang action movie ito at mayroon silang bagong ipapakita rito sa audience. “Makikita nila rito ‘yung collaboration ng old school at ng mga bagong idea. So, nagko-converge siya to build a better foundation para sa pelikula.

“Kaya proud kami para sa Ang Bagong Dugo, kasi hindi lang siya typical na old school na action film, ito ‘yung collaboration ng pagkaka-intindi ng henerasyon namin ngayon at yung henerasyon nila dati. Na pinag-converge namin, kaya mayroon kaming bagong ipapakita sa masa,” pahayag niya.

Swak ba ang movie’ng ito sa lahat ng mahihilig sa action?

“Yes, swak na swak ito sa mahihilig sa action, lalo na iyong tatay ko, iyong mahihilig noon sa action at mahihilig ngayon sa action. Kasi medyo may halo na ng teknolohiya yung action ngayon e.

“Ngayon, ihahalo namin yung parang new breed ng action sa old school na ipaparamdam namin na noong wala pang computer graphics, heto yung ginagawa namin. Pero may ihahalo kaming teknolohiya ngayong panahon, na mas mapapaganda pa ‘yung pelikula,” nakangiting esplika pa ng Kapamilya actor.

Dagdag na pahabol pa niya, “Happy ako to be part of a film na ibinabalik yung mga action genre dati, iyong old school na walang CG (computer graphics). Happy po ako na at least ‘di ba, magiging daan o maging part ako ng pagbabalik ng action films sa industriya ng pelikula.

“I’ve done a couple of films na starring role like iyong Lihis, pero this is the first na talagang ako ang bida, tapos ay action pa kaya medyo kinakabahan po talaga ako.”

Ang Ang Bagong Dugo ay mapapanood na sa June 18. Bukod kay Joem, ito ay tinatampukan din nina Mark Gil, Monsour del Rosario, Alma Concepcion, Alexis Navarro, Dick Israel, Efren Reyes Jr., Annaliza ‘Milagring’ Baldondo, Alvin Anson, at iba pa.

THE VOICE KIDS, HUMATAW AGAD SA RATINGS!

EXPECTED naming hahataw agad sa ratings ang pagsisimula ng The Voice Kids ng ABS CBN. Patok agad sa viewers ang unang batch ng magagaling na young artists na nagpakitang gilas at nagpabilib sa coaches na sina Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga sa Blind Auditions ng programa.

Base sa Kantar Media, naungusan ng The Voice Kids ang mga katapat nitong programa. Last Saturday, pumalo ito sa national TV rating na 33.3% o 21 puntos na mas mataas kompara sa Vampire Ang Daddy Ko ng GMA na nakakuha lang ng 11.9%. Namayagpag din ito noong Linggo (Mayo 25) sa rating na 35.8% at pinataob ang kalabang programang Kapuso Mo, Jessica Soho (15.8%).

Kaya hindi nakapagtatakang pinag-usapan din online ang premiere telecast ng programa dahil nanguna sa listahan ng worldwide trending topics sa Twitter sa parehong Sabado at Linggo ang hashtag na #TheVoiceKidsPhilippines. Trending din nationwide at worldwide ang iba’t ibang artists at awiting napakinggan dito.

Siyam na young artists na ang nakapagpa-ikot sa chairs ng coaches at tiyak na mas titindi pa ang tensyon sa pagitan nila. Mayroon nang dalawang young artists na pasok sa Team Sarah, apat sa Team Bamboo, at tatlo naman sa Team Lea.

Incidentally, isa ang Camella House and Lot ng Vista Land ni Chairman Manny Villar sa sponsor nito. Ikalawang pagkakataon na nila na mag-sponsor ng house and lot. Una ay sa Bet On Your Baby ni Judy Ann Santos. Actually bongga ang mananalo sa The Voice Kids dahil may premyong house and lot. Unlike sa naunang season nito na wala pa at iyan ay dahil sa Camella.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Blind Auditions sa The Voice Kids tuwing Sabado, 6:45 PM at Linggo, 7:30 PM sa ABS-CBN.

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

blind item

Boylet ni Showbiz Gay namamaga ang lalamunan, madalas ding may lagnat

HATAWANni Ed de Leon KUWIDAW ang isang showbiz gay, nalaman kasi niya na ang kanyang boylet …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *