Wednesday , July 24 2024

Jasmine, sobra-sobra ang importansiya sa TV5

 ni Maricris Valdez Nicasio

KAPANSIN-PANSIN ang sobrang pagpapahalaga kay Jasmine Curtis-Smith ng TV5. Paano’y ganoon na lamang ang laki at paghahandang ginagawa sa mga show na ibinibigay sa nakababatang kapatid ni Anne Curtis.

Tulad ng SpinNation na naka-tie-up sa Smart Communications, ganoon din ang ginawa sa JasMine na naka-tie-up/collaborate naman sila sa isa sa nangungunang advertising leader na Ace Saatchi & Saarchi.

Dream project nga raw itong JasMine kung ituring dahil ang Ace Saatchi & Saatchi pa ang bumuo ng konsepto at creative content ng love mystery drama na ito. At ang commercial and film production studio na Unitel Entertainment naman ang line producer.

O ‘di bongga?! Ito’y para matiyak na magiging maganda at kakaiba ang seryeng ihahatid ng TV5.

Sa June 1 na ito mapapanood na gaganap si Jasmine sa isang fictional version ng kanyang sarili at ang kuwento ng kanyang pagsikat bilang mainstream star ng TV5. Sisimulan niya ito sa pag-audition sa flagship project ng network na URLoved, ngunit makakalaban niya ang iba pang mga primetime princesses ng TV5. Worse, magkakaroon si Jasmine ng stalker (Maskara) na bukod sa pagiging obsessed ay possessive rin at maabilidad sa pagsunod sa bawat galaw ng aktres.

Kasama ni Jasmine sa kauna-unahang TV series within a TV series na ito sina Carlo Orosa, Justine Pena, Marvelous Alejo, Nicole Estrada, Cai Cortez, at Alwyn Uytingco. Pag-aagawan si Jasmine rito ng tatlong nagguguwapuhang binata na sina Vin Abrenica, Gerard Sison, at Matthew Padilla.

Sa kabilang banda, kakaibang viewing experience naman ang hatid ng TV5 App na mas maghahalo ang mundo ng fiction at reality. Sa pamamagitan ng app na ito, makatatawid ang mga manonood sa mundo ni Jasmine dahil sa mga exclusive content, never before seen videos, behind the scene photos, at character profiles, clues, show extensions, at special live streaming. Maaari ring manalo ang mga viewer ng mga naglalakihang papremyo gamit ang app.

Kaya samahan si Jasmine sa pagtuklas ng tunay na katauhan sa likod ni Maskara sa JasMine, sa Linggo, June 1, 9:15 p.m. sa TV5.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

GMA Gala PBB Gen 11

PBB at GMA Gala nagtapatan, sino ang nag-trending?

I-FLEXni Jun Nardo KATAPAT sa  streaming ng GMA Gala ay ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya …

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

Sophia Nadia Montenegro Baron Geisler

Baron wala pang pag-amin na anak si Sophia

HATAWANni Ed de Leon HINDI diretsahang inamin ni Baron Geisler na anak nga niya ang bunsong anak …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *