Tuesday , July 23 2024

Pilot ng The Voice Kids, monster hit sa ratings!

Maricris Valdez Nicasio

BAGO pa man ipalabas ang The Voice Kids ng ABS-CBN noong Sabado, Mayo 24, alam naming maghi-hit agad ito at marami ang tiyak na tututok. Paano naman, teaser pa lang nito’y marami na ang nasabik sa mga batang nagpatikim ng kanilang galing sa pagkanta.

Kaya tinutukan talaga ng buong bansa ang unang batch ng young artists na nagpakitang gilas at nagpabilib sa coaches na sina Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga sa Blind Auditions ng programa.

Sa datos ng Kantar Media, ang The Voice Kids ang pinakapinanood na programa sa bansa noong weekend. Noong Sabado (Mayo 24), pumalo ito sa national TV rating na 33.3%, o 21 puntos na mas mataas kompara sa Vampire Ang Daddy Ko ng GMA na nakakuha lamang ng 11.9%.

Namayagpag din ito noong Linggo (Mayo 25) sa rating na 35.8% at pinataob ang kalabang programang Kapuso Mo, Jessica Soho (15.8%).

Bukod diyan pinag-usapan din online ang premiere telecast ng programa dahil nanguna sa listahan ng worldwide trending topics ito sa Twitter sa parehong Sabado at Linggo sa hashtag na #TheVoiceKidsPhilippines.

Nag-trend din nationwide at worldwide ang iba’t ibang artists at awiting napakinggan sa programa.

Siyam na young artists na ang nakapagpaikot sa chairs ng coaches, at tiyak na mas titindi pa ang tensiyon sa kanila. Mayroon nang dalawang young artists na pasok sa Team Sarah, apat sa Team Bamboo, at tatlo naman sa Team Lea.

Kaya muling abangan ngayong Sabado at Linggo kung sino-sino pa ang papasa sa panlasa at pandinig ng tatlong coaches. Huwag ding bibitiw sa pagpili para sa kauna-unahang The Voice Kids na maraming papremyo ang naghihintay kasama na riyan ang house and lot mula sa Camella Homes ng Vista Land na ang chairman ay si Mr. Manny Villar. Bongga ‘di ba, sa bahay at lupa pa lang, panalo na agad!

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

GMA Gala PBB Gen 11

PBB at GMA Gala nagtapatan, sino ang nag-trending?

I-FLEXni Jun Nardo KATAPAT sa  streaming ng GMA Gala ay ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya …

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

Sophia Nadia Montenegro Baron Geisler

Baron wala pang pag-amin na anak si Sophia

HATAWANni Ed de Leon HINDI diretsahang inamin ni Baron Geisler na anak nga niya ang bunsong anak …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *