Wednesday , July 24 2024

Toni at Direk Paul’s lovelife, talo pa sina Daniel at Kathryn

ni Roldan Castro

PANAKAW pala ang pagkikita nina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano sa ngayon dahil sa rami ng commitments ng TV-host actress. Minsan nga, saglit silang nagtagpo at kumain sa SM Aura tapos nahuli pa sila ng Kris TV na nagsu-shoot din sa isang restoran doon.

“Okey naman ‘yun sa amin. Kita mo tumagal kami ng seven years. Hindi kami nagsasawa kasi para kaming high school, daig pa namin ‘yung mga Daniel (Padilla) at Kathryn (Bernardo). Sina Daniel at Kathryn everyday magkasama, kami minsan-minsan lang,” bulalas niya nang makatsikahan sa taping Home Sweetie Home.

‘Pag wala namang work si Toni gaya ng PBB, bumibisita raw lagi si Direk Paul sa bahay niya. Minsan daw ay nagsama-sama ang family nila.

“Sanay na siya. 100 days lang naman ang ‘PBB’, akala mo lang isang taon siya,” sey pa ni Toni.

Hindi ba siya naiinip na sana magkaroon na ng marriage proposal si Direk para Home Sweetie Home na?

“Ay, hindi ko pa nga alam, eh! Sabi ko nga sa ‘yo, ang hirap ng may asawa (sa ‘Home Sweetie Home’) sa totoong buhay pa?,” sagot niya.

Wala ba siyang inggit sa mga kakaiba at bonggang proposal ngayon ng mga artista?

“Wala. Honest mula sa puso ko. Akala nga ng lahat.. naiinggit ako, wit! Trabaho muna. Hindi ako ‘yung super ikamamatay ko na wala akong lovelife. Hindi naman sa ano, alam ko ‘yung sobrang secured ‘yung faith ko kay God na alam ko na Siya ang nagdi-direct ng mga nangyayari sa buhay ko. Ngayon talaga, ‘yung nangyayari sa career, ‘yung mga programang ginagawa ko ngayon, talagang wala talaga ito lahat, ni isa, hindi ko inisip. Lahat ay dumarating lang, so sabi ko kay God, Lord ikaw na ang bahala pati sa buhay ko ng pag-aasawa. Kayo na ang mag-aayos. Hindi ko uunahan, hindi ko pangungunahan, hindi ako maiinip kung kailan mo gusto.Honestly, mula sa puso ko, walang inggit.”

Paano kung maunahan pa siya ni Alex Gonzaga na magpakasal?

“Sabunutan ko siya talaga. Hindi puwede. Hindi puwedeng mauna muna siya,” mabilis niyang sagot.

Hindi ba siya takot sa long engagement na sa bandang huli hindi naman nagkakatuluyan?

“Ayaw ko naman ng long engagement. ‘Yung long term relationship, hindi naman. So far sa ngayon, kung ano ang nararamdaman ko, kung ano ‘yunng mayroon ako, hindi naman confident. There’s so much faith in a relationship and with the person I’m with na ..sa pitong taon na hindi pinaiyak ‘yung damdamin ko, hindi ako sinaktan. Nakikita ko ‘yung iba na talagang nagkakaproblema, God’s grace talaga, so far, marunong siyang mag-alaga,” sey pa ni Toni.

Samantala, tinawag na Toni Gonzaga Sunday Special ang Linggo sa ABS dahil napapanood siya sa ASAP, The Buzz, PBB, at Home Sweetie Home na nalipat na ng Sabado, 6:00 p.m.. Hindi ba natatakot si Toni sa over exposure?

“Hindi naman.parang bagong lipat pa lang ako sa ABS, isyu ko na ‘yun. Unang-unang lipat ko kaya, 2005, ‘yan na ang reklamo nila, wala pang social media. Management naman ang nagdedesisyon kasi kung isipin mo naman, ‘yung sinasabi nilang every day ko, hindi naman talaga ako ang pinapanood evicted night, housemates naman doon. Storyteller lang ako every night at saka isang spiel lang ako. Buti sana kung pati sa loob ng bahay, ako ang pinapanood, ‘yun talaga OA. Sa ‘ASAP’ naman once a month na lang ako,” sambit ni Toni.

Tungkol naman sa pagbabalik niya sa The Buzz, hindi siya nagdalawang isip na si Kris Aquino ang makakasama niya?

“Hindi. Wala akong hesitation kay Ate Kris. First time ko siyang makasama ng regular dahil nag-guest host na siya before..many times noong nag-‘The Buzz’ pa ako. Mayroon na rin akong experience na makatrabaho si Ate Kris, the same time ‘yung mga guesting ko sa ‘Kris TV,” parang whole day kaming magkasama, parang na-break in na kami,” sey niya.

Hindi ba niya naramdaman noong initial telecast ng The Buzz dahil iniintrigang parang nai-insecure si Kris sa kanya, sa mga tingin nito na parang nanunuri?

“Hindi naman.Siguro ano, kilala ko na si Ate Kris. Gamay ko na siya. Sakyan mo siya. Talagang dapat kilala mo siya para hindi ka mao-offend, mahu-hurt. Ako kasi tanggap ko na si Ate Kris na prangka, totoo. She’s really ano talaga straight forward. Titingnan niya… kung ano ‘yung gusto mong reaksiyong makukuha mo agad. Hindi siya ‘yung paplastikin ka na . Mas okey nga ako sa ganoon, eh, ‘yung nakikita mo agad ‘yung reaksiyon ng tao in front of you . Mas takot ako roon sa mga taong sobrang warm, na sobrang bait kasi parang nakakaduda, eh! At least, si Ate Kris, hindi ko bet ‘yung suit. I don’t like your ano…Straight siya agad. O, what’s your shoes, like it. Straight naman siya talaga lagi so naa-appreciate ko naman ‘yun,” bulalas pa ni Toni.

Hindi ba siya natatakot na mangyari sa kanila ‘yung nag-walk-out si Ruffa Gutierrez sa The Buzz dahil nag-clash sila ni Kris?

“Ako, feeling ko ha. Gods grace siguro na ‘wag kaming dumating sa ganoong point. Feeling ko naman, talagang pinagpi-pray ko. Siyempre, hindi ko masabi na hindi talaga, mamaya  next week, may eksena pala kaming ganoon.Pero ako talaga, alam ko naman kung saan ko ilulugar ang sarili ko, kay Tito Boy at kay Ate Kris. Ibigay mo na ‘yun, King and Queen of Talk ‘yun. Kung anong ma-experience ko sa show, everything will be a learning process sa akin,” deklara pa niya.

About Roldan Castro

Check Also

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

GMA Gala PBB Gen 11

PBB at GMA Gala nagtapatan, sino ang nag-trending?

I-FLEXni Jun Nardo KATAPAT sa  streaming ng GMA Gala ay ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya …

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

Sophia Nadia Montenegro Baron Geisler

Baron wala pang pag-amin na anak si Sophia

HATAWANni Ed de Leon HINDI diretsahang inamin ni Baron Geisler na anak nga niya ang bunsong anak …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *