Tuesday , July 23 2024

Mga dayuhang reperi tutulong sa PBA

KINOMPIRMA ni PBA chairman Ramon Segismundo ang plano ng liga na dalhin ang ilang mga opisyal ng New South Wales Institute of Sports sa Australia para tulungan ang mga reperi para sa darating na ika-40 season na liga.

Unang nagkausap sina Segismundo at ang mga opisyal na Aussie nang nagkaroon ng board meeting ang liga roon noong isang taon.

“The plan is to invite the officials from the New South Wales Institute of Sports and help in our referees’ development program after the third conference. We want them to come over,” wika ni Segismundo sa panayam ng www.spin.ph.

“Australia is a basketball power. And their facilities are impressive when the PBA board visited the South Wales Institute during our board meeting last year. They have a referees’ training and they are much closer to us.”

Bahagi ito ng plano ng PBA na lalong pagbutihin ang officiating na ilang beses na kinuwestiyon ng mga manlalaro, coaches at pati ang ilang mga tagahanga ng liga.

Idinagdag ni Segismundo na limang babae ang nag-e-ensayo para maging bagong reperi ng PBA.

Noong dekada ’80 ay dinala ng PBA ang mga beteranong reperi ng NBA na sina Jim Capers at Lee Jones para maging reperi sa finals ng Crispa-Toyota at Crispa-Great Taste, bukod sa pagsagawa ng referees’ clinics.       (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

PBA draft 2024 Justine Baltazar

Justin Baltazar, no.1 pick sa PBA Season 49 Draft

PINILI ng Converge Fiberxers team si Justine Baltazar, 27 anyos, 6-foot-9 UAAP Champion noong 2016, …

Shakey’s Super League National Invitational inilunsad

Shakey’s Super League National Invitational inilunsad

INIHAYAG ni Vicente L. Gregorio, Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. (SPAVI) President/CEO (may mikropono) ang …

Tristan Jared Cervero Chess

Cervero naghari sa Marikina chess tournament

Marikina City — Naghari si Tristan Jared Cervero, isa sa mga nangungunang manlalaro ng Ateneo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *