Monday , May 20 2024

3-anyos nalunod sa septic tank

BUTUAN CITY – Patay ang isang 3-anyos batang lalaki nang mahulog at malunod sa septic tank sa Brgy. Obrero sa Butuan City kamakalawa.

Ayon kay PO2 Angeles Dolesen ng Butuan City Police Station 1, dakong 6 p.m. pag-uwi ng amang si Jonahan Yongco, Sr., agad niyang hinanap ang bunsong anak na si JM Yongco.

Ipina-blotter niya ang pagkawala ng anak ngunit nang sumagi sa isip na may septic tank sa likuran ng kanilang bahay ay doon siya nagduda.

Nang kanyang siyasatin nakita niya ang lumulutang na tsinelas ng paslit.

Nang hilahin gamit ang isang kahoy ay agad lumitaw ang wala nang buhay na si JM.

Agad dinala ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Kabag sa alimuom ng ulan tanggal sa Krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Sipat Mat Vicencio

Tiyak na sibak si Sen. Bato sa eleksiyon

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung inaakalang manananalo pa siya …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *