Saturday , July 27 2024

Blatche handa na sa pagdating sa Pilipinas

MALAPIT na ang pagdating ng sentro ng Brooklyn Nets na si Andray Blatche sa Pilipinas upang maging naturalized na manlalaro ng Gilas Pilipinas.

Bumisita si Blatche sa Philippine consulate sa New York City noong isang araw upang pumirma ng sworn affidavit na inaprubahan ni New Jersey notary public Cynthia Raia.

“My intention is to mingle with Filipinos and embrace the customs, traditions and ideals of the Filipino people,” wika ni Blatche na nagdala sa Nets sa Eastern  Conference semifinals ng NBA bago sila natalo sa Miami Heat.

Inaasahang darating si Blatche sa Pilipinas bukas at dadalo siya sa Senado sa Lunes kung saan inaasahang papasa sa ikatlong pagbasa ang Senate Bill 4084 ni Senador Juan Edgardo Angara na tuluyang magbibigay ng naturalization sa kanya.

Kapag okey na ang naturalization ni Blatche ay isasama siya sa lineup ng Gilas para sa FIBA World Cup sa Espanya sa Agosto at sa Asian Games in Incheon, Korea, sa Setyembre. (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *