Thursday , June 4 2026

VP ng SMDC nahulog mula 16/f nalasog

PATAY ang mataas na opisyal ng SM Development Corp. (SMDC) makaraan mahulog mula sa 16 palapag ng condominium sa Makati City kamakalawa.

Ayon kay Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban, ang 52-anyos na si Efren Lim Tan, vice president for sales and property, ay bumagsak sa concrete canopy ng 7th floor ng BSA Condotel sa San Lorenzo Village.

Ayon sa driver ng biktima, ibinaba niya si Tan sa condominium dakong 9 a.m. kamakalawa.

Aniya, balisa si Tan, na sinabing may kukunin lamang sa kanyang unit sa 6th floor ng gusali.

Ngunit isang oras na aniya ang lumipas ay hindi pa bumabalik si Tan.

At dakong 10 a.m. ay nahulog si Tan mula sa balcony ng kanyang condominium unit.

Sinabi ni Lucban, ayon sa imbestigasyon, suicide ang insidente dahil walang nakitang palatandaan ng foul play.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …