Ang Zodiac Mo

Aries (April 18-May 13) Ang pinakamahalagang task para sa iyo ngayon ay ang mapaglabanan ang iyong takot.

Taurus (May 13-June 21) Maiirita ka sa pag-uugali ng iyong partner na kabaligtaran mo.

Gemini (June 21-July 20) Ang iyong obligasyon ang iyong haharapin ngayon kaya isasantabi muna ang mga paglilibang.

Cancer (July 20-Aug. 10) Maaaring kahit na ang maliit na problema ay indahin mo ngayon.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Kalungkutan ang mararamdaman at hindi magiging maganda ang mood ngayon.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Babalik sa ala-ala ang malungkot na nakaraan sa muling pagkikita n’yo ng isang tao.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Kailangan ang iyong buong atensyon sa iyong financial situation.

Scorpio (Nov. 23-29) Kailangan habaan ang pasensya ngayon. Huwag maging pikon.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ang iyong pagiging masaya ay maaaring panlabas lamang. May dinadala kang mabigat na problema.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang papasukan na larangan ay posibleng magdulot sa iyo ng positibo at negatibong konsekwensya.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Huwag hahayaang tuluyan kang kainin ng iyong pagiging negatibo at depresyon.

Pisces (March 11-April 18) Ang pagdududa sa iyong kakayahan ay mapapalitan ng determinasyon ngayon.

S erpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Magaan ang iyong pakiramdam ngayon. Mas madali kang makapagdedesisyon.

lady Dee