Monday , May 13 2024

Angel, inalok maging first lady ni Luis (I was never a perfect boyfriend… but i learned my mistakes)

ni Reggee Bonoan

Handa na bang mag-settle down si Luis, “yes, I could be a bit more ready but kumbaga, there’s still things I want to do on my own as Luis Manzano before tying the knot.”

Sinundot namin ng tanong kung kailan ba ang plano niyang mag-propose kay Angel.

“Ayoko muna sabihin kasi may mga nangyayaring bigla na nauusog ‘yung time table, so we have to wait and see.

“Unpredictable ang showbiz, eh, minsan there’s more shows coming in, minsan bakante, so medyo magulo.  If I see something more stable, kasi mamaya maghanda ako, tapos biglang (may work), so hopefully very soon,” seryosong sabi ng aktor.

Ano ang naging reaksiyon ni Luis tungkol sa magandang larawan nina Governor Vilma at Angel noong nakaraang Mother’s Day nang isama niya ang dalaga sa family dinner.

“It was Mother’s Day, so sabi ko kay Kite (Angel), bakit hindi natin dalawin si mommy to greet her kasi we don’t regularly see my mom, so dinalaw namin and everytime na kumakain si Kite sa amin na we really like doing or I really like doing is dito ako nakaupo, si tito Ralph and Ryan and magkatabi sina mommy at Kite.

“Habang kumakain sila, I’d like to see them interact, I like to see them talk and make up for the lost time, like politics is the topic.

“And ako nagtanong kay Kite very lightly, I asked her kung gusto niyang maging first lady ko sakali, tapos tumatawa lang siya and I guess that’s something good hopefully,” masayang kuwento ni Luis.

At mas lalo pa raw natuwa si Luis nang sabihan ni Governor Vi si Angel ng, “welcome home, it was nice seeing old friends or old family for not seeing each other for so many years. Very airport ang dating na sobrang higpit ng yakap ng pamilya, I’d love seeing that.”

Kaya hindi na tayo magugulat Ateng Maricris ‘pag biglang nag-propose na si Luis kay Angel isa sa mga araw na ito.

I WAS NEVER A PERFECT BOYFRIEND… BUT I LEARNED MY MISTAKES

Samantala, natanong naman si Angel Locsin sa binata kung ano naman ang masasabi niya sa seryeng The Legal Wife na mainit na pinag-uusapan ngayon, “you know, everything they do is trending, kahit nga commercial gap yata trending pa rin.

“I know how hard they work, they work everyday, pack-up nila 6:00 a.m. call time nila 10:00 or 11:00 a.m. (same day), I know how hard the people they’re working behind and in front of the camera, siguro nasusuklian ang hardwork nila, napakaganda ng ratings, the feedbacks at sa mga kaibigan sa facebook nila, galit nagalit sila sa ‘The Legal Wife’, kulang na lang murahin nila, actually minumura na nila ‘yung show kasi hindi na sila makalabas (gimik) dahil ‘yung mga asawa nila nagdududa na.

“Parang, punyeta ‘yang show na ‘yan, magba-basket (basketball) lang ako, kung ano-ano pa ang mga tanong ni misis, mga ganyan, so it shows that they’re really doing something good,” natatawang sabi ng aktor.

Nadadala rin ba ni Angel ang karakter niya bilang duderang asawa ni Adrian (Jericho Rosales) sa relasyon nila ni Luis?

“Hindi naman, kagabi, she was going thru her script, sabi niya sa akin, ‘ikaw ba pag naglagay ako ng tracker sa phone mo, magagalit ka?’

“Sabi ko, ‘hindi kasi bibili ako bagong phone (biro), ‘pag nalaman mo at not for telling me, maiinis ako, sabi niya (Angel) ‘sabagay kung gawin mo rin sa akin, maiinis ako.

“Kumbaga, she even questioned me what would a guy do, that’s how much they take care of the role. Parang nababali pa naman niya between Angel and her character, she’s studying her character although she’s not live with her character,” kuwento ng aktor/TV host.

Sa kabilang banda, tinanong namin ng diretso si Luis kung hindi ba siya nagseselos sa mga kissing scene nina Angel at Echo, “hindi kasi work ‘yun.  I know naman it’s work, like my mom (Batangas Governor Vilma Santos-Recto), ilang beses na rin niyang ginawa sa movies niya, I know it’s work.”

May pagkakataon pa bang naisip ni Luis na muling lokohin si Angel?

“Wala naman.  Nagbago na ako (birong sabi ng aktor).  I was never a perfect boyfriend, but I’d like to think that I learned my mistakes from the past.

“Ayoko na ring lokohin ang sarili ko,” diretsong sagot ng TV host/actor.

Inamin ng aktor na hindi na siya natatakot ngayon dahil wala namang mahuhuli si Angel sa kanya, “kung dati siguro matatakot ako, pero ngayon hindi na kasi maayos na ang pananaw ko sa buhay, okay na ako.”

About Reggee Bonoan

Check Also

Boobay Aparri Cagayan

Boobay muling inatake habang nagso-show sa Aparri

MULI na namang ikinabahala ng mga nagmamahal kay Boobay ang naging eksena nito sa isang show sa …

Liza Soberano

Liza may pa-sulyap sa kaseksihan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI na naman ikinagulat ng lahat ang mga naglabasang fotos ni Liza …

Bato dela Rosa Jonathan Morales Maricel Soriano

Maricel matapang na sinagot, hinarap mga tanong sa Senado

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NASOPLA na kung nasopla ni Diamond Star Maricel Soriano ang Senate investigation kaugnay …

SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito …

Claudine Barretto  Elaine Crisostomo

Direktor ni Claudine sa Sinag, Vilmanian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISANG karangalan para kay direk Elaine Crisostomo na maidirehe si Claudine Barretto sa isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *