Thursday , June 4 2026

CIDG handa na vs 3 senators

TINIYAK ni PNP CIDG Chief Police Director Benjamin Magalong, nakahanda na ang kanilang ahensiya sakaling magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa tatlong senador na kinasuhan ng plunder dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam.

Sinabi ni Magalong, matagal nang pinaghandaan  ng PNP ang pag-aresto sa tatlong senador at noong buwan pa ng Marso ay masasabing plantsado na ang inilatag nilang paghahanda sakaling ipalabas ang warrant of arrest laban kina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon ‘Bong’ Revilla.

Ayon kay Magalong, ang CIDG ang lead unit para isilbi ang warrant of arrest sa mga akusado.

Inilinaw ni Magalong, walang halong politika ang ginagawa nilang preparasyon sa napipintong pag-aresto sa tatlong senador. Sinabi ng heneral, ang mahalaga ay handa sila  para sa ano pa mang pangyayari. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …