Buntis na misis ipinahoyo ng mister na OFW

Nagsilang ng babaeng sanggol ang misis na ipinakulong  ng sariling mister,  sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Agad naisugod ng mga bantay na pulis sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang inmate na kinilalang si Joanna Castañeda, 35-anyos, ng Francisco Homes, City of San Jose del Monte, Bulacan, nahaharap sa kasong Adultery.

Sa ulat nina POs3  Alberto Eustaquio at Marcelino Alim, ng Caloocan Police Jail Management Section (JMS) dakong 7:30 p.m. nang  magsisigaw sa sakit ng tiyan si Castañeda kaya agad dinala sa nasabing pagamutan.

Nabatid, nitong Mayo 11, ipinaaresto ang ginang ng mister na OFW, nang mabistong nabuntis  ng kanyang kalaguyo.

(rommel sales)