Talunang kagawad nagbigti sa bangketa (Jobless at wala nang bahay)

ISANG 64-anyos ex-kagawad  ng barangay ang nagbigti sa bangketa sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktimang si Ruben Gatbunton, may-asawa, jobless.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 3:00 a.m. natagpuan ng  dalawang scavenger nakabitin ang bangkay sa  bangketa gamit ang nylon cord

Napag-alaman na mula nang matalo bilang barangay kagawad ang biktima, nagkapatong-patong ang problema ni Gatbunton nang mawalan ng trabaho, hanggang tumiira na lang sa bangketa. (L. BASILIO)