ni Maricris Valdez Nicasio
TULOY-TULOY pa rin ang maaksiyong pakikibeki ni Alwyn Uytingco sa primetime dramedy series ng TV5 na Beki Boxer. Ngayong linggo, ang dating WBPF Super Featherweight title-holder na si Michael “Hammer Fist” Farenas naman ang makakalaban niya sa ring.
Matapos ma-knockout si Marvin ”The Hammer Head” Ortega (ginampanan ni WBC Silver World Champion Denver Cuello) gamit ang kanyang tsunami punches, next level na si Rocky Ponciano (Alwyn Uytingco) at makakaharap niya nga si Farenas.
Tubong Sorsogon, Bicol Region, kilala ang 29 year old na boksingero sa kanyang agresibong style sa pakikipagboksing na nagbigay ng record na 38 wins with 30 knock-outs. Gaganap si Farenas bilang Leonado “Matador” Gonzales, isang matador-turned-boxer na kilalang nakapatay ng baka gamit ang kanyang kamao.
Malampasan kaya ni Rocky ang match na ito gamit ang kanyang Tsunami punch? O si Leonardo na kaya ang kakatay sa kanya?
Tutukan yan ngayong Lunes sa Beki Boxer, Lunes hanggang Biyernes, 7:00 p.m. bago ang Confessions Of A Torpe sa TV5!