Thursday , June 4 2026

Hindi naging kami — Sam to Bangs

ni  Reggee Bonoan

NAGTATAKA si Sam Milby kung ano ‘yung ikinuwento ni Bangs Garcia na naging ‘sila’ ng aktor noong hindi pa siya pumapasok sa Pinoy Big Brother season one.

Ayon sa co-star ni Sam sa Dyesebel at kasama rin sa pelikulang So It’s You ay exclusively dating sila ng aktor noong bago pumasok sa Bahay ni Kuya at bigla na lang nawalan sila ng komunikasyon nang lumabas na si Sam.

Ayon pa kay Bangs, wala silang closure ni Sam, pero okay na raw iyon dahil matagal na panahon na iyon at nagkikita naman sila madalas sa taping ng Dyesebel bilang love-interest din niya ang aktor na gumaganap naman bilang si Liro.

Tinanong namin ang manager ni Sam na si Erickson Raymundo at sinabi nitong, ”wala akong alam kasi nine (9) years ago pa ‘yun. Alam ko lumalabas sila kasi magkasama sila sa Close-up TVC.”

At nang ipatanong naman namin kay Sam ang tungkol sa naging relasyon nila ni Bangs, ”huh? Hindi naging kami!”

Hmm, mukhang may dapat pag-usapan sina Sam at Bangs, ‘di ba Ateng Maricris?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …