Thursday , June 4 2026

Rasyon-tubig sagot ng Palasyo sa water crisis

PINAWI ng Palasyo ang pangamba ng publiko na irarasyon ang tubig kapag nagsimula na ang tagtuyot o El Niño sa susunod na buwan, na tinatayang aabot ng siyam na buwan o hanggang Marso 2015.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang pangunahing  kailangan  upang matugunan ang problema sa El Niño ay ang tamang disiplina sa paggamit ng tubig.

“Wala pa pong tinatalakay na ganyan at hindi po dapat maligalig o mangamba ang ating mga kababayan. Sa kasalukuyan po ang mahalaga ay magkaroon ng kamulatan na meron tayong kinakaharap na El Niño at dahil dito kailangan ang disiplina sa paggamit ng tubig, sa pagtitipid at wastong paggamit nito, ‘yan lang po,” sabi ni Coloma.

Aniya, batay sa pinakahuling ulat ng Department of Science and Technology (DOST), nasa kritikal na antas na ang tubig sa Angat Dam na pinanggagalingan ng hanggang 90 porsyento ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, at ginagamit din para sa irigasyon at elektrisidad.

Nitong  nakaraang  Enero ipinag-utos na ni Pangulong Benigno Aquino III sa buong Gabinete at sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng mga angkop na hakbang para mapaghandaan at matugunan ang epekto ng El Niño at iba pang manipestasyon ng pagbabago ng klima.

“Ang climate change mitigation and adaptation ay isa sa mga prayoridad na programa sa Philippine Development Plan,” ani Coloma. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …