Thursday , June 4 2026

NDRRMC director nagbitiw na

NAGSUMITE na ng kanyang resignation letter si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Undersecretary Eduardo del Rosario.

Ito ang kinompirma ni Maj. Reynaldo Balido, ang tagapagsalita ng NDRRMC.

Ayon kay Balido, nitong Abril 24 isinumite ni Del Rosario kay Defense Sec. Voltaire Gazmin ang kanyang resignation letter.

Sinasabing ang humihinang kalusugan ni Del Rosario ang dahilan ng pagbibitiw niya sa pwesto.

Pebrero ng nakalipas na taon nang umupo si Del Rosario sa NDRRMC kapalit ng nagbitiw din na si Usec. Benito Ramos.

Samantala, wala pang pinangalanan ang NDRRMC kung sino ang posibleng papalit sa iniwang tungkulin ni Del Rosario.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …