Monday , July 4 2022

Alex Gonzaga, agaw-eksena sa PBB All In

ni  Nonie V. Nicasio

KAHIT sinasabi ng ibang netizens na scripted ang simula ng PBB All In na umarangkada na last Sunday sa ABS-CBN, sa palagay namin ay good decision ang pagkakasali sa labing walong Housemates ng isa sa hosts nito na si Alex Gonzaga. Sa pag-entra ni Alex sa PBB, siguradong mas magiging lively ang bagong edition ng Pinoy Big Brother.

Pagpasok nga ni Alex sa Bahay ni Kuya ay “bumangka” na kaagad ito. Nagpakita rin agad ng pagiging kikay at pasaway ang aktres nang uminom ito sa pitsel, imbes na gumamit ng baso. Pati na ang paglalagay ni Alex ng tissue sa basa niyang kili-kili ay nakaka-aliw ding panoorin.

Kuwela rin ang pagsasabi ni Toni Gonzaga sa kanyang nakababatang kapatid na sa pagpasok niya sa Bahay ni Kuya, dapat niyang ingatan na na huwag na huwag siyang magbibigay ng kahihiyan sa kanilang pamilya. Although biro lang ito ni Toni, sure ako na mayroon itong nahid ng katotohanan dahil kilala niya sa pagiging pasaway at kikay si Alex na tinaguriang Sassy Sister ng Rizal.

Kabilin-bilinan nga ni Toni kay Alex bago ito pumasok sa Bahay ni Kuya ay, “Huwag na huwag kang gagawa ng mga bagay na ikahihiya ko.” Nangako naman si Alex na magpapakita siya ng maturity at isa ito sa mga challenge na tutukan ng madla sa Kapamilya actress.

May tsika rin na hindi naman daw magtatagal sa Bahay ni Kuya si Alex, suwerte na raw kung aabutin ito ng one month doon dahil magsisismula na next month ang The Voice Kids, ang TV show na makakasama siya bilang co-host ni Luis Manzano.

Isa pa, kung magtatagal doon si Alex ay baka mas lalong maraming netizens ang pumuna sa PBB All In. Marami kasi ang nagsasabi na nakalalamang ang mga celebrity pagdating sa eviction nights. Kahit sabihing hindi naman talaga sikat na sikat ang mga celebrity na nakapasok dito, siyempre’y may built-in supporters agad ang mga ito dahil kilala na sila at may fans na, kaya mas marami ang either magte-text para umangat ang mga kilalang personalidad na ito o para huwag silang mapa-alis sa Bahay ni Kuya. Tama nga naman at one hundred percent na agree kami sa puntong ito.

Ano kaya ang masasabi ni Big Brother sa mga comment na ito ng netizens?

Anyway, naging mainit ang pagsalubong ng masa sa bagong housemates dahil nagtala ang grand kickoff nito ng national TV rating na 20.5% o doble sa nakuha ng katapat na programang Imbestigador ng GMA (10.9%). Pinag-usapan din ito sa Twitter na nasakop ng PBB All In at ng housemates ang top 10 trending topics sa micro-blogging site na Twitter.

Samantala, samahan gabi-gabi ang PBB Unlimited Big Winner na si Slater Young at ang PBB Teen Edition 4 housemates na sina Joj at Jai Agpangan saPBB Online Uplate sa pinoybigbrother.com/livechat para pag-usapan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya.

Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya gabi-gabi pagkatapos ng Aquino & Abunda Tonight sa Primetime Bida. Host naman sina Bianca Gonzales, John Prats, at Robi Domingo sa Pinoy Big Brother All In Uber pagkatapos ng Moon of Desire sa Kapamilya Gold. Alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang kanyang Secretary sa @PBBabscbn sa Twitter o i-like ang  www.facebook.com/ OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn.

Manolo Pedrosa, isa sa early  favorite housemate  sa Bahay ni Kuya

PANG-SIYAM na ipinakilala si Manolo Pedrosa sa PBB All In last Sunday at sa simula pa lang ay nagpakita agad ng magandang rehistro sa viewers ang guwapitong binatilyong ito na tinaguriang Wonder Son ng Quezon City.

Kahit kapwa housemates ni Manolo na sina Maris, Joshua, at Loisa ay nakapansin sa pagiging friendly nito kaya nakagaanan agad nila ng loob ang 16 year old na La Sallista. Ang obserbasyon naman ng maraming viewers ng PBB, smiling face na, smiling eyes pa si Manolo kaya naaaliw silang panoorin ito.

Naging co-host din dati si Manolo sa TV5’ Spinnation ni Jasmine Curtis Smith.

Si Manolo ang pinakabata sa limang magkakapatid at hilig niya ang mag-jet ski at mag-hiking. Naglalaro rin siya ng basketball, frisbee, at badminton. Dahil sa pagiging guwaping ni Manolo, in-demand siyang maging escort sa mga proms. Ngunit hindi pa nagkaka-girlfriend ang binatilyong ito dahil gusto niyang mag-focus muna sa kanyang pag-aaral.

About hataw tabloid

Check Also

LUV Is Caught In His Arms Sparkada

Sparkada Boys malakas ang dating

I-FLEXni Jun Nardo LUMUTANG ang pangalan nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Kyline Alcantara, at Bianca Umali sa Sparkada Boys ng GMA Artist …

Rita Daniela

Rita ayaw pa ring pangalanan ang lalaking nakabuntis sa kanya

I-FLEXni Jun Nardo IPINAGDAMOT pa rin ng Kapuso artist na si Rita Daniela nang tanungin ni Nelson Canlas ng 24 Oras kung sino …

politician candidate

Socio-political climber umaariba sa grupo ni congressman 

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang marinig na umaariba na naman …

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

Leave a Reply