Thursday , July 7 2022

Gov’t officials, lawmakers na sangkot sa multi-billion pork barrel scam pangalanan na!

 

00 Bulabugin JSY

NAGLALARO ba ng ‘PAHULAAN’ sina Justice Secretary Leila De Lima at  Rehabilitation Czar Ping Lacson sa isyu ng gov’t officials at lawmakers na sangkot sa multi-billion pork barrel scam batay sa affidavit ni Janet Lim Napoles?

Sa mga lumabas na panayam kasi sa media, umaastang ‘CHECKER’ si rehab Czar Ping Lacson.

Kapag ini-sanitized daw ni Madam Leila ‘yung affidavit ni Napoles ‘e ilalabas daw niya ‘yung affidavit na naunang ini-execute sa kanya ng pork barrel scam queen.

Ang ipinagtataka natin, bakit bigla naman ‘ngumangawa’ si Senate President Franklin Drilon?

Biglang nilinis ang pangalan niya. Hindi raw siya ‘yung tinutukoy na Senador na malaki pa ang kinita kina Sexy, Pogi at Tanda.

‘E bakit siya ang pumipiyok?

Siya ba ang tinutukoy na Senador?

Habang si Senator Miriam Santiago naman ay nagbanta agad na huwag daw siyang maisali-sali sa mga lawmakers na sinasabing sangkot sa pork barrel.

Tsk tsk tsk …

‘Yan na nga ba sinasabi natin, dapat ‘e ilabas na ‘yang ‘LISTAHAN’ na ‘yan ng mga MAMBABATAS na sangkot sa eskandalong ‘yan nang matahimik na ang iba pang ‘pinaghihinalaan.’

Para huwag na rin magamit sa politika ‘yang isyu na ‘yan.

‘Di ba Secretary Leila De Lima?!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply