Pa-raffle ng Solaire dapat sudsurin ng BIR
HANGGANG ngayon, marami pa rin ang nagtatanong kung talaga bang napupunta sa kabang yaman ng bayan sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kinakaltas na bente (20) hanggang trenta (30) posiyentong buwis mula sa kanilang papremyong kotse at kahit maging sa cash.
Totoo ba, BIR Commissioner KIM HENARES na nagre-remit sa BIR ang Solaire Casino sa kinakaltas nilang buwis sa mga papremyo nila sa kanilang promotional raffle?!
O sa kanilang kompanya lang โyan!?
Ang ipinagtataka kasi ng mga pumupunta sa Solaire Casino, bakit nagkakaltas sila ng TAX sa kanilang raffle prizes samantala โyung Resorts World Casino nakapagpapa-raffle nang TAX FREE.
Maliwanagย po โyan sa announcement nila sa kanilang mga billboard, tarpaulin at fliers โ TAX FREE! Cash man o kotse ang napanalunan ng Resorts World Casino players.
โE sa Solarie Casino, halimbawang nanalo kayo ngayon ng kotse, may babayaran kang tax at sasabihin sa inyo, three to four weeks pa bago maging available.
Sa Resorts World, agad-agad maiuuwi ng winner ang kotse.
Anak ng teteng, parang ayaw ibigay ng Solaire ang napalunan ng player โdi ba!?
Sa bwisit nga minsan ngย mga car raffle winner โe ikino-convert na lang nila sa cash.
Kapagย na-convert naman sa CASH, โe kakaltasan rin ng tax โkunoโ o kaya ang ibibigay ng Solaire Casino โe PLAYING CHIPS para isugal at ipatalo mo ulit sa kanila.
SONABAGAN!
Madam KIM HENARES, marami ang nagtataka kung bakit nakalulusot sa inyo ang kakaibang โGIMIKโ ng Solaire Casino โ panindigan ninyo ang kampanya ninyo saย pangongolekta ng BUWIS โ alang-alang sa โDAANG MATUWIDโ ni PNoy!
[divider]
POSISYON AT PANININDIGAN NG INYONG LINGKOD SA NPC MAY 2014 ELECTIONS
NAKATATABA ng puso at sa katunayan (nakahihiya man aminin) โe pinamumulahan tayo ng mata dahil sa ipinadaramang malasakit, tiwala at suporta ng mga katoto/kasamahan natin na hinihikayat tayong muling tumakbo bilang Pangulo ng National Press Club (NPC).
Ang akin pong posisyon at paninidigan sa darating na eleksiyon ng NPC sa Mayo 4, 2014 ay patunay ng aking malasakit hindi lamang sa organisasyon kundi maging sa bawat indibidwal na miyembro nito.
Walang pagtatangi, walang pagmamaliit at lalong walang pag-uuri.
Naniniwala ako na ang NPC ay isang โsocial clubโ para sa mga mamamahayag hindi para โmagpataasan ng ihiโ kundi para ipadama sa bawat isa na mayroong isang organisasyon na pwede nilang makaalakbay (hihiramin ko po ang terminong ito sa hinahangaan at iginagalang nating si Ariel Borlongan) sa pagtupad ng tungkulin bilang mga mamamahayag.
Isang social club na napagsikapan nating hindi man naging pantay-pantay ay nagkaroon ng pagkakataon na magkasalamuha ang sabi nga โe malalaki o mga sikat at maliliit na beat reporters sa ilang mga pagkakataon o event na ginagawa natin noon sa NPC.
Pero sa ilang linggo nating pag-oobserba o pag-aaral sa mga huling pangyayari sa Club, nagpasya ang inyong lingkod na HUWAG lumahok o tumakbo sa ano mang posisyon sa darating na May 4 NPC elections.
Naniniwala po ang inyong lingkod na kahit wala tayong posisyon sa NPC ay magagampanan pa rin natin ang adbokasiyang isinusulong natin noon na sad to say ay marami ang nagsasabing hindi na nila nakikita ngayon.
Tradisyonal man ang inabutan nating aktibidad sa NPC, nakita natin kung paano nito pinagbuklod ang malalaki at maliliit na mamamahayag kahit man lang tuwing eleksiyon.
MARAMING SALAMAT sa tiwala at suporta sa ilang taon na tayoโy nanungkulan sa NPC mula sa pagiging director hanggang maging pangulo.
Naniniwala tayo na sa abot ng ating kakayahan โe nakapag-iwan tayo ng magandang legacy sa NPC.
Maraming salamat po sa inyong lahat.
[divider]
PULONG NG MGA BAGMAN SA PNP-NCRPO
MAY ipinaabot pong INFO sa inyong lingkod hinggil sa โPULONG ng mga BAGMAN.โ
Ginanap daw ang pulong sa isang tanggapan ng KERNEL sa PNP-NCRPO Bicutan na kinabibilangan ng APAT na sikat na mga bagman/kolektong na sina aliasย JO-JO KRUS, NOEL โD BAGMAN KASTRO, BERT PERA at JAKE DOKLENG.
Ang APAT na kamote este BAGMAN ay parang mga โburgesya kompradorโ na pinaghahati-hatian sa kanilang pulong kung alin, ano at saan sila tututok para sa kanilang โmasaganang cobranza.โ
GEN. CARMELO VALMORIA Sir, nasa tungki ng iyong ilong ang mga nagpapakilalang BAGMAN โฆ
Talas-talasan mo lang ang pakiramdam pag may time, Sir!
[divider]
UMAASENSO AT YUMAYAMAN ANG MGA TULIS este PULIS-MPD SA PCP PLAZA MIRANDA
HINDI lang daw ang nagpapakilalang OVM Manila Vice Squad bagman alias JONAT BONSAIย ang biglang-yaman/asenso kundi pati raw ang ilang tulisan โesteโ pulis sa MPD PLAZA MIRANDA PCP.
MPD DD Gen. Rolando Asuncion, โyan po ay base sa impormasyon na pinarating sa atin.
Abaโy akala mo nga raw, may car display room ang tapat mismo ng Plaza Miranda PCP dahil makikitang nakaparada ang mga bagong sasakyan gaya ng ISUZU Crosswind, Mitsubishi ADVENTURE at ang nakagugulat, mayroon pang malalaking imported na motorsiklo (big bike) na bibihira lang daw makita sa kalsada.
FYI Gen. Asuncion, hindi raw bababa sa P200K ang halaga ng big bike na madalas makita na gamit ni Plaza Miranda PCP chief P/INSP. ROMMEL โTISOYโ ANICETE.
Tanong tuloy ng mga antigong vendors sa Quiapo, Maynila kung ito baโy katas ng tara โy tangga mula sa kanila?
By the way Gen. Asuncion, paimbestigahan ninyo ang raket ng dalawang bugok na pulis dโyan sa PCP Plaza Miranda na sina alias TATA O-BINA at TATA 4-TAKLESA.
Simple lang po ang diskarte nilang bulok, ipatatawag ang ilang herbal vendor at pagkatapos ay aakusahan na nagtitinda ng CYTOTEC, ginagamit na abortion pill, at saka tatakutin na kakasuhan sila dahil may nakompiska sa kanilang Cytotec.
Oobligahin nila ngayon na maghatag sa kanila ng 5K pataas para pakawalan ang pobreng herbal vendor.
Sonabagan!!!
Malakas daw ang loob ng dalawang kamote na magwalanghiyaย dahil bata raw sila ng isang punyente โesteโ tinyente na kasangga ang isang kumpare (boss Joji) ni Yorme Erap.
General Asuncion, mag-surprise visit ka lang sa lumang PCP sa gilid ng simbahan para mabulaga ninyo ang ang PITCHAAN nila, Sir!
[divider]
ย Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]

