Aries  (April 18-May 13) Mainam na iwasan muna ang bagong mga inisyatibo.

Taurus  (May 13-June 21) Habang papalapit ang gabi, nagiging positibo ang iyong pananaw.

Gemini  (June 21-July 20) Kung may namumuong tensyon sa negosyo o pamilya, huwag na itong palubhain pa.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Mainam ang sandali ngayon sa mga biyahe, at pakikipagkita sa mga kaibigan.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Dapat mo ring tugunan ang iyong mga pangangailangan.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Maging handa sa pagsagot sa mga katanungan at magbuo ng opinyon.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Ang koneksyon at impormasyon ay hindi maggagarantiya ng solusyon sa mga problema.

Scorpio  (Nov. 23-29) Nawiwili ka sa pakikipagkomustahan at hindi mo mapahindian ang imbitasyon ng mga kaibigan.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring hindi maging maganda ang mood ng partner, makansela ang biyahe, o magkaroon ng pakikipag-alitan.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) May magandang magaganap sa dakong umaga, o makatatanggap ng magandang balita.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Kailangan ang iyong mabilis na desisyon kaugnay sa maaaring mangyari ngayon.

Pisces  (March 11-April 18) Hindi maganda ang iyong mood ngayon kaya mainam na huwag munang humarap sa mahalagang tao.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17)

Hindi inirerekomenda ng mga bituin ang pagpaplano ng ano mang mahalagang bagay ngayon.

Lady Dee