Thursday , June 4 2026

Mga bagay na magpapainit sa sex life (Part I)

NAHIHIYA ka bang makitang nasa loob ng isang adult store? Kung kailanman ay hindi naranasang makabili o gumamit ng mga kinky stuff mula sa sex market nitong nakalipas na mga taon, nais din namin painitin ang inyong sex life, aba’y perfect itong listahan namin para sa iyo. Ang bawat item na nakalista ay makapagpapabuti sa inyong sexperience.

Bumili ng tent

Alam natin na ang pagbabakasyon ay super saya para sa atin, pero hindi naman lahat ay nakaa-afford pumunta sa kanilang paboritong destinasyon kada weekend para lang makaranas ng extra sarap sa inyong sex life. Pero lahat naman tayo si-guro ay makaa-afford ng tent. Habang hindi ito ang pinakaromantikong lugar para makipagtalik, sa sandaling nasa loob na ay totally new environment ito. Tiyak na magiging adventure ang inyong paglalambingan. Bukod dito, sa sandaling nagsimula na maging intimate, magugulat kayo kung gaano ka-exciting ito para sa inyong dalawa. Kung hindi naman mahilig mag-camping, bakit hindi subukang itayo ang tent sa gitna ng inyong living room?

MakaTUtulong ang heels

Kung hindi n’yo type ang bumili at gumamit ng lacy corset at push-up na bra, pero gusto rin namin magbihis sa tamang okasyon para mapainit ang inyong sex life, bumili ng isang pares ng high heels. Nagbibigay kompiyansa ang pagsusuot ng heels at ito ang magbibigay sa iyo ng lakas ng loob para maging open sa ibabaw ng kama. Baka nga subukan pa n’yo ang ilang bagong mga sex position. Hindi lang mas feeling sexy ka kapag naka-heels, dag-liang nagmumukhang mas mahaba ang inyong mga binti at hita. Kung nais pang dagdagan, pahiran ng moisturizer ang inyong legs. Puwede pa ngang dagdagan ito sa pamamagitan ng pagbudbod ng shimmer dust para magkaroon ng attractive sheen. Bumili rin ng isang pares ng heels na babagay sa inyong skin tone.

(Tatapusin bukas)

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …