Thursday , July 7 2022

Snooky, kinakabahan sa malakas na sampal ni Maricel Soriano

ni  Rommel Placente

MAY tinatapos na indie movie si Snooky Serna titled Homeless mula sa direksiyon ni Neil ‘Buboy’ Tan. Gumaganap siya rito bilang nanay ni Ejay Falcon.

Based on a true story ang pelikula. Tungkol ito sa mga biktima ng bagyong Yolanda na naging biktima rin ng isang sindikato matapos silang i-recruit  para dalhin sa Manila.  Isa si Snooky sa mga naging biktima ng sindikato.

“Parang expose’ po siya, ‘yung mga sindikato na nagma-manipulate, they take advantage of ‘yung mga victim ng Yolanda, ginawa nilang mga prostitute. ‘Yun ‘yung tina-tacle ng movie,” kuwento ni Snooky tungkol sa kanilang pelikula.

“Pero iniba po ‘yung names ng mga character siyempre po for safety reasons.

“Ako naman ang part ko sa sindikato, namamalimos ako para sa kanila.”

Ang Homeless ay for international release.

“Nakapasok na kami sa Montreal Filmfest. Pre-approve na kami kahit hindi pa namin natatapos ‘yung movie kaya nakatutuwa nga eh,” masayang sabi pa ni Snooky.

Samantala, kasama si Snooky sa bagong serye ng GMA 7, na pagbibidahan nina Maricel Soriano, Lovi Poe, at Dingdong Dantes.

”Ako ang gaganap na mother ni Lovie sa serye,” kuwento ni Snooky tungkol sa kanyang role

Dagdag niya, “best friend kami rito ni Maricel na hindi ko alam all the while na ‘yung pinoproblema ng anak ko ay siya pala.

“Si Maricel pala kasi ang mistress ni Dingdong na asawa ni Lovie.

“Maghaharap kami ni Maricel after so many years na hindi pagkikita dahil nagkahiwalay kami noong aming kabataan.

“Magkakagulatan kami.

“Pero nandoon pa rin ‘yung confrontation, magsasampalan kami.

“’Yun nga lang kinakabahan ako dahil ang lakas sumampal ni Maricel, baka maputol ‘yung ulo ko,” natatawang biro pa ni Snooky.

Excited na si Snooky sa taping niya with Maricel dahil bukod sa kaibigan niya rin ito sa totoong buhay ay matagal niya na itong hindi nakatrabaho.

“Yun ang talagang excited po ako.

“Alam ninyo naman na parang kapatid ang tingin ko kay Maricel.

“Tapos ilang years kaming hindi nagkatrabaho.

“Last movie namin was ‘yung Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin’.

“Hindi ko na matandaan kung anong taon ‘yun dahil sa sobrang tagal na.

“So you can imagine how excited I am to work with her again,” pagtatapos ni Snooky.

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang Ella Cruz

Pokwang binuweltahan ng fans ni Ella  

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN pero nabatikos din si Pokwang sa komento niya sa statement ni Ella Cruz na “history …

Blind Item, male star, 2 male, gay

Beki handang suportahan si male star ‘pag mawalan ng trabaho

ni Ed de Leon NAGSABI naman daw ang isang bading na ka-on din yata ng isang male star na …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Euriz Sagum John Rey Malto

Euriz Sagum, handa na sa mundo ng showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI Euriz Sagum ay 18 taong gulang at kasalukuyang gumagawa …

Leave a Reply