Friday , July 1 2022

Power reserves sa Luzon nanganganib (Masinloc power plant bumagsak)

041614_FRONT
SA harap nang nakaambang aberya sa supply ng koryente sa Luzon, bumagsak kahapon ang Masinloc coal-fired power plant sa Zambales.

Ayon kay Department of Energy Electric Power Industry Management Bureau director Mylene Capongcol, tinatayang aabutin ng tatlong araw bago makumpuni ang nakitang leak sa boiler ng planta.

Ang Unit 2 ng planta ay mayroong output na 300 megawatts ng koryente.

“Kani-kanina lang kami ay nakatanggap ng advisory from the National Grid Corp. of the Philippines na ‘yung Masinloc Unit 2 ay bumagsak. Bigla siyang nasira at hindi nakapag-produce ng koryente at 7:55 a.m.,” ayon sa opiyal.

Aminado si Capongcol na kapag hindi agad naagapan ang problema, posibleng magdulot ito ng brownout dahil sa mababang supply ng koryente sa rehiyon.

“Pag may bumagsak na planta, ito ay ninipis at hindi matutugunan lahat na requirement.”

Simula ngayong araw, ilalagay na o sa “yellow alert” ng DoE ang Luzon power grid dahil sa nakaambang maintenance activities ng Malampaya power plant.

Ayon kay Energy Sec. Jericho Petilla, nangangahulugan ito na mas mababa pa sa 600 megawatts ang magiging power reserves sa Luzon dahil sa “restricted capacity” ng Malampaya.

Nilinaw ng kalihim na matagal nang naka-schedule ang naturang maintenance ngunit naipagpaliban dahil sa naranasang aberya sa Masinloc at Pagbilao power plants.

ni LAYANA OROZCO

BROWNOUT  ‘DI NA MAUULIT  – PALASYO

HINDI na mararanasan ang malawakang brown-outs tulad  noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Ito ang pahayag ng Malacañang makaraan ideklara ang  yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa emergency shutdown ng Masinloc power plant sa Zambales at ang naka-schedule na maintenance shutdown ng  ilan pang planta ng koryente sa Luzon.

Pinalawig pa ang shutdown ng Pagbilao power plant habang  may gas restriction ang Malampaya plant simula ngayong Miyerkoles.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., hindi tumitigil ang Department of Energy (DoE) sa paghahanap ng mga paraan para matiyak ang  sapat na supply ng koryente lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Naunang  inihayag ng Palasyo na medyo manipis ang supply ng  koryente ngayong summer kaya’t pinaalalahanan ang publiko  na magtipid sa konsumo ng koryente.

Matagal nang nagpepenitensiya ang mga taga-Mindanao dahil sa dinaranas na mahabang oras ng rotating brown-out kaya’t iginiit sa Palasyo  na  sibakin  na si Energy Secretary Jericho Petilla.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply