Thursday , March 28 2024

Grounded lang ang labor officials na sangkot sa sex-for-flight?! Sonabagan!!!

00 Bulabugin JSY

KAKAIBA rin palang magparusa ng mga ‘MANYAKOL  na OPISYAL ang Department of Labor (DOLE).

Mantakin ninyong magbugaw at mambastos ng mga babaeng DISTRESSED overseas workers ‘e ang parusa, GROUNDED lang?!

Hindi na raw sila pwedeng i-assign sa labas ng bansa forever kaya rito na lang sila binigyan ng pwesto sa Philippines?!

Wahahahahaha!

Natatawa ako sa sa inyo Labor Secretary Rosalinda Baldog ‘este’ Baldoz. Isa kang babae pero parang ni hindi mo man lang binigyan ng katarungan ang mga napagsamantalahan at nabastos na babaeng OFWs.

Ang nakatatawa pa rito, pagkatapos ng imbestigasyon ng DOLE sa sex-for-flight ‘e ang naging kaso lang nina dating Riyadh labor attache at  Jordan acting labor attaché ‘e “ failure to do their duties well.”

Sonabagan talaga!

Tapos na raw ang isang-buwan na suspensiyon ni Musang ‘este’ Musa, si Antonio kailangan tapusin ang kanyang apat-buwan suspensiyon dahil sa paggamit ng mga bastos na salita sa pakikipag-usap sa distressed workers at nahuling panonood ng pornographic materials sa laptop ng opisina na inisyu sa kanya.

Habang si Antonio Villafuerte naman ay hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

Sina Musa, Antonio at Villafuerte ay pawang GROUNDED ngayon dahil sa kanilang pagkakasangkot sa sex-for-flight …

Hindi ba mas dapat na sibakin na sila sa PNoy administration!?

GANO’N lang ba ‘yun, Secretary Baldoz?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *