Wednesday , June 3 2026

Freeman magiging problema namin — Guiao

INAMIN ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao na mahihirapan ang kanyang koponan sa pagsagupa nito kontra Barangay Ginebra San Miguel sa huling araw ng eliminations ng PBA Commissioner’s Cup sa darating na Linggo, Abril 20.

Ang larong ito ay magiging unang pagsabak ni Gabe Freeman para sa Gin Kings bilang bagong import kapalit ni Josh Powell.

llang beses na nakaharap ni Guiao si Freeman sa PBA, lalo na noong 2009 nang ginabayan ni Freeman ang San Miguel Beer sa finals ng Fiesta Conference nang talunin ng Beermen ang Burger King ni Guiao sa semifinals at ang Ginebra nga sa finals upang maging kampeon.

“Freeman will be a big headache for us. We know he can score and he will also complement the local big men of Ginebra,” wika ni Guiao pagkatapos na talunin ng ROS ang Air21, 87-82, noong Lunes. “Japeth Aguilar and Greg Slaughter will not compete with the import’s playing time. We have to be ready and find a way to stop him.”

Naglaro rin si Freeman para sa Barako Bull noong 2011 at para sa SMB at Philippine Patriots sa ASEAN Basketball League.  (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …