Friday , July 1 2022

Ejay Falcon, inili-link kay Vice Ganda

ni  Nonie V. Nicasio

SINABI ni Ejay Falcon na ayaw niyang pansinin ang tsika na inuugnay siya kay Vice Ganda. Ayon sa aktor, mas gusto niyang manahimik na lang para huwag na itong lumaki.

Nagkasama sina Vice at Ejay sa blockbuster movie na Girl, Boy, Bakla, Tomboy noong Disyembre last year. Nasundan pa ito ng pagsasama nila sa ilang shows abroad sa pagsisimula ng taong 2014. Dahil dito marahil kaya raw nagkaroon ng intriga kina Ejay at Vice.

Matatandaang naging very vocal si Vice noon sa pagsasabi na special request niyang maging leading man si Ejay sa naturang pelikula.

Pero aminado si Ejay na nalulungkot din daw siya minsan kapag may mga ganitong intriga. Para raw kasing minemenos ng iba ang kanyang kakayahan bilang actor, na tipong ang insinuation daw kasi ng intriga ay hindi niya makakasama sa pelikula si Vice kung hindi lang siya ni-request ng komedyante.

“Nalulungkot lang ako minsan kasi feeling ko, kaya ako nakasama dahil ni-request ni Vice, iyong parang dahil gusto ako ni Vice. Minsan nakakalungkot din, kasi inisiip nilang hindi ka nakakasama dahil sa talent mo, kung ano ka.

“Siguro iyon lang pero hindi naman ako napipikon sa mga sinasabi nila, kagaya ng mga intrigang ganoon, kasi wala namang katotohanan. Saka si Vice naman, siguro isinama niya ako roon kasi kailangan ako roon sa show, ‘di ba? Kailangan ako sa show and nagkataon na ako ang available and ipinagpapasalamat ko sa kanya iyon,” saad pa ni Ejay patungkol sa naging shows nila ni Vice sa US noong February to March na pinamagatang I-Vice Ganda Mo `Ko sa Amerika.

MOMMY DIONISIA, SECRET WEAPON NI PACMAN!

KAHIT ginagawang katatawanan ng iba ang mga antics ng kuwelang nanay ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, definitely ay isa si Mommy Dionisia Pacquiao sa secret weapon ni Manny nang pataubin nito si Timothy Bradley sa kanilang rematch na ginanap sa Las Vegas, Nevada last Sunday para sa World Boxing Organization (WBO) Welterweight crown.

Of course, hindi kinukulam ni Mommy D. si Bradley, kundi ipinagdarasal niyang manalo si Pacman. Rosary at prayer booklet ang hawak ni Mommy D. at hindi kung ano’ng voodoo gadget. Si Mommy D. ay nagdarasal sa Diyos habang nakikipagbasagan naman ng mukha ang kanyang anak.

Mayroon pa bang mas gagaling na panlaban sa mga tulad ng sagupaang Manny at Bradley kundi ang dasal? Pareho silang nag-train nang matindi at parehong makikisig at magagaling sa bugbugan sa ring. Pero nakalalamang siyempre ang isa sa kanila kung hahaluan ng dasal at may extra point sa bagay na ito si Manny dahil bukod kay Mommy D., alam naman natin na born again na ngayon si Manny at madalas siyang magdasal at magbasa ng bible.

Matatandaan din natin kung paano nagalit noon nang todo si Mommy D. nang si Manny ay madaya sa unang sagupaan nila ni Bradley, pati na nang natalo si Pacman kay Juan Manuel Marquez noong kanilang last bout.

Isa rin si Mommy D. sa tagapagtanggol ni Pacman sa kanyang mga kaso sa BIR. Kaya I’m sure kapag nagkaroon ng round-2 ang iringan ni Pacman at ni BIR chief Kim Henares, makakatikim nang isang matinding ‘banat’ kay Mommy Dionisia si Commissioner Henares.

About hataw tabloid

Check Also

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Isko Moreno Joaquin Domagoso

Yorme Isko lolo na 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin …

Leave a Reply