Aries  (April 18-May 13) Ikaw ay magiging kabado at mapili ngayong araw.

Taurus  (May 13-June 21) Bago magsimula ng biyahe o negosasyon, magplano muna.

Gemini  (June 21-July 20) Kailangan ng seryosong pag-iisip kaugnay sa kalagayan ng pananalapi.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Bunsod ng mga pangamba, posibleng hindi makatulog at mawalan ng ganang kumain.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Bunsod ng pagi-ging kalmado, magiging maayos ang araw na ito para sa iyo.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Ang mga kaanak at kaibigan ang iyong sasandalan sa panahon ng mga problema.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) May bahagyang tsansa na magkaroon ng pakikipagtalo sa partner, boss o kakompetensya.

Scorpio  (Nov. 23-29) Dapat manatiling totoo sa iyong prinsipyo, maging tapat sa pamilya at bayang sinilangan.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Aminin mo sa iyong sarili na hindi ka pa rin nakasisiguro sa iyong kinabukasan.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Kung gaano ka kadepende sa iba ngayon, ganoon ka rin dapat na maging maingat.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Maaaring mahuli ka sa pagpasok sa trabaho o maaaring makaalitan ang isa sa mga kasama.

Pisces  (March 11-April 18) Maaaring maging alipin ka ng iyong mga bisyo. Iwaksi ang mga ito habang maaga pa.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Huwag iismolin ang iyong karisma ngayon, kung gagamitin nang maayos maaaring magbukas ito ng bagong oportunidad.

lady Dee