Thursday , June 4 2026

San Mig vs Meralco

PAGPAPATATAG ng kapit sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto ag pakay ng apat na koponang tampok sa magkahiwalay na laban sa  PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Maghaharap ang Rain or Shine at Air 21 sa ganap na 5:45 pm at susundan ito ng salpukan ng San Mig Coffee at Meralco sa ganap na 8 pm.

Ang Elasto Painters at Express ay kapwa may 3-4 karta at kapwa galing sa pagkatalo.

Ang Rain Or Shine ay naungusan ng Talk N Text, 85-82 noong Miyerkoles sa isang laro kung saan hindi na nakapaglaro ang import ng Tropang Texters sa second half.

May pag-asa sanang magwagi ang Elasto Painters sa larong iyon subalit nabitiwan ng import na si Devon Wayne Chism ang bola sa dalawang magkasunod na pagkakataon sa endgame.

Hindi din nakapag-coach para sa Elasto Painters si Joseller “Yeng’ Guiao na nasa abroad bunga ng isang business trip. Siya ay hinalinhan ng kanyang assistant na si Caloy Garcia.  Si Guiao ay babalik sa bench ng Elasto Painters mamaya.

Ang Air 21 naman ay tinambakan ng San Mig Coffee, 97-84. Sa larong iyon ay hindi nakaporma ang import ng Air 21 na si Wesley Witherspoon sa matinding depensa ng Mixers.

Ang San Mig Coffee ay galing naman sa 97-88 pagkatalo sa San Miguel Beer noong sabado at bumagsak sa 4-3 record. Dahil doon ay lumabo na ang tsansa ng Mixers na makamtan ang No. 2 spot at twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Kaya naman ang tunay na target ng tropa ni coach Tim Cone ngayon ay ang manatili sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto sa pagtatapos ng elims. Ang mga koponang nasa puwestong ito ay papasok sa best-of-three quarterfinals.

Naseguro ng Meralco Bolts ang pagpasok sa quarterfnals nang makabalik sila sa 22-puntos na kalamangan ng Barako Bull at magwagi noong Biyernes para sa 4-4 record.

Sa import match-up ay magtutuos sina James Mays ng San Mig Coffee at Darnell Jackson ng Meralco.  (SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …