Wednesday , July 6 2022

Kapatas utas sa huling hapunan

PATAY ang construction foreman nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek,  habang naghahapunan kasama ang kanyang misis sa loob ng bahay, sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si  Cerilo Reyes, 43-anyos, ng Pabahay Site, Dulong Sampaguita st., Brgy. Tanza, ng nasabing lungsod sanhi, ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa ibat’ ibang bahagi ng katawan at ulo.

Base sa pinagsanib na ulat nina PO3 Allan Ogatia at PO2 Exequiel Sanco, kapwa may hawak ng kaso, dakong 11:30p.m. naganap ang insidente sa lugar.

Sa ulat, naghahapunan ang biktima at kanyang misis nang biglang pumasok sa loob ng bahay ang hindi nakilalang suspek saka pinagbabaril ang biktima bago mabilis tumakas.

Labing-apat na basyo ng bala ng baril ang nakuha ng mga tauhan ng scene of the crime operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …

Leave a Reply