Multang P.1-M hanggang P.5-M sa mga mall na maniningil ng parking fee
SANA ay magtagumpay si Leyte Rep. Sergio Apostol sa kanyang House Bill 3779 na ipagbawal na ang paniningil ng parking fees sa mga parking area ng shopping malls, hotels, at iba pang commercial establishments.
Dapat lang naman na ang mga nasabing establisyemento lalo na ang shopping malls ay maglaan ng libreng parking area para sa kanilang mga parokyano.
Mantakin nโyo naman, mamimili ka na sa mall nila tapos sisingilin ka pa sa parking area.
โYun ibang mall pati paggamit nga ng comfort rooms nila may bayad pa!
Aba โe sa parking area pa lang โe panalo (tubong lugaw) na โyang mga mga mall na โyan.
Ang hindi lang daw kasama rito โe โyung mga establisyemento na ang purpose ng kanilang pagtatayo ng building ay para sa pay parking at kailangan โe malinaw daw na nakasaad ito saย kanilang building permit.
Ang sino mang establisyemento na lalabag ay pagmumultahin ng P100,000 hanggang P500,000 habang ang mga opisyal ng kompanya ay maaaring makulong nang hindi lalampas sa limang (5) taon.
Aba โe dapat aprubahan na agad ang batas na โyan!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]

